Ramon Bautista, dapat maging sensitive

1 Ramon-Bautista IDINEKLARA NA ng city government ng Davao City na si Ramon Bautista ay “persona non grata” o salitang maiintindihan ng marami: wala na munang karapatang tumuntong sa Davao City.
Kahit sino siguro ang makapanood na sasabihin ni Ramon on stage and on mic na “hipon” ang mga babae sa Davao, kahit hindi ka taga-Davao, mao-offend ka.
Siguro, inakala ni Ramon na lahat ng nasa harap niya ay mga fans niya at iniidolo siya porke eksperto siya sa pagpapayo tungkol sa lovelife.
Akala rin niya siguro, ‘pag binanggit niya ang “hipon” ay matutuwa ang mga tao.
Ang masaklap, paulit-ulit pa ang pangangampanya niya ng salitang “hipon”, pinauulit pa niya pati sa audience ang naturang salita.
Siyempre, para mo na ring sinabi na ang kababaihan sa Davao ay maganda lang ang katawan pero pangit ang mukha.
So this is a lesson learned for all of us, lalo na sa mga komedyante, na be sensitive ‘pag nasa stage.
Hindi lahat ng jokes ay nakatatawa o nakangingiti. Kung minsan, nakangingitngit.
Ewan lang natin kung ano ang reaksyon ng mga kumpanya na may hawak ng mga produktong ine-endorse niya.
Kung magsisipag-backout ‘yon, baka siya naman ang magmukhang “hibe”.
Charot!

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleCoco Martin at Kim Chiu, ginawaran ng Eduk Circle Awards
Next article3 years old na anak nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez, marunong nang magbasa

No posts to display