LUMAKI sa panonood ng mga ABS-CBN teleserye ang film director na si Darryl Yap at aminado siya na pangarap din niyang makagawa ng teleserye sa telebisyon.
“As Batang 90’s I grew up watching ABS-CBN teleseryes and one of my dreams actually is makagawa ako ng isang teleserye.
“So, ako pinayagan naman ako ng Viva na magkaroon ng isang playground kung saan makakagawa ako ng teleserye type pero rooted sa aking filmed battle cry na sobrang normalan lang ang pagsasalita, everyday scenario ng isang Filipino imperfect family,” pahayag niya sa PUSH.
Ang tinutukoy na parang teleserye-type ni Direk Darryl ay ang KPL o Kung Puwede Lang na online rant series ng Vincentiments that went viral, with over 320 Million views as of writing.
Eh, bakit nga ba gumawa siya ng isang “rantserye”?
“Because we would like the grasp the idea na lahat ng miyembro ng pamilya lalo na ngayon panahon ng pandemya at panahon ng samu’t saring krisis gusto kong marinig sana ng tao hindi lang yung buhay nila kundi yung kanilang nasasabi kung anong meron sa panahon ngayon bilang anak, bilang kuya, bilang lolo, bilang lola, bilang asawa, nanay at tatay.
“So ito ang magiging core ng kuwento ng Kung Pwede Lang, opinyon o saloobin ng bawa’t miyembro ng pamilya at sa buong lipunan na rin,” katwiran ng direktor.
Patuloy pa niya, “Hindi ako makakapagsabi kung ano ang kaibahan nito sa mga nagawa ko na, kasi para sa akin lagi ko naman sinasabi na ang bentahe ng lahat ng aking gawa ay tungkol sa kung ano ang pang-araw-araw na karanasan.
“So, kung tatangkilikin ito gaya ng unang nailabas, this is the story of every normal Filipino imperfect family that trying to convey.”
Bida sa KPL si Rosanna Roces na halatang paboritong kunin ng director sa kanyang mga proyekto sa Viva.
“Bumubuo po kami ng sindikato,” pabiro at natatawang sabi ni Direk Daryll. “Mama O, sinabi ko na sa sa kanya, Pornstar palang na it’s really a dream na makatrabaho ko siya.
“Gustung-gusto ko siya talaga sa Babae sa Bintana tapos napapakiusapan naman siya sa schedule ng kanyang availability. Nagkatagpo lang talaga kami na walang ilangan siguro kaya laging nagkakatrabaho.
“Everyday sunshine working with Mama O. I’m a chill director, I don’t want to stress people around me and magaan siyang katrabaho at matalino.”
“Yon lang lagi request ko sa Viva na bigyan nila ako ng matalino kasi iyon ang mabilis na makatrabaho more than sa mahusay o magaling (umarte), sa matalino talaga,” dagdag pa ni Darryl.
Makakasama ni Osang sa KPL sina Dennis Padilla, Dexter Doria, Bob Jbeili, Loren Mariñas and Carlyn Ocampo. Mapapanood ang KPL sa VivaMax simula April 9.