NAKUHA NIYA ang 2010 Awit Awards para sa Best Performance by a New Male Recording Artist. Isang Pinoy, napanalunan naman niya ang Junior Grand Champion Performer of the World at ang Junior Grand Champion Solo Vocalist of the World sa 13th World Championship of Performing Arts (WCOPA) na ginanap sa Hollywood, California. Siya ay si Raph Sajul Salazar. Sa ngayon, isa na siyang kilalang talent ng Star Magic ng ABS-CBN. Halos ang kanyang kasikatan ay nahaha-lintulad sa talent ng mga kaibigan niyang sina Charice Pempengco at Makisig Morales. Sa edad na 14-years old, ngayon ay napapanood siya sa teen at comedy skit show na Luv U ng ABS-CBN.
Dati kasi, nakita ko na si Raph noong maliit pa siya. Nakausap ko na rin ang kanyang mga magulang at nais nga raw nitong maging kilalang singer. Natanong ko pa nga kung kanino nagmana. Ang sabi ng mama niya ay sa kanyang daddy nagmana dahil mahilig ito sa videoke. Sinabi ko noon sa staff kong ‘kuliglig’ na sisikat si Raph dahil may talent. At ako dapat ang magma-manage sa kanya, kaso lang nawala ang contact ko sa kanya. Haha! Whoah! Ah, congrats, huh! Malaki ka na, sino ba ‘yung makaka-loveteam mo sa teen comedy show na Luv U? “Haha! Wala po akong love team dito sa show na ito.”
Wala ka bang crush kahit isa sa kanila? “Hahaha! Wala po.”
Career muna? “Opo, mas focus po ako sa career at sa school.”
Pero, may nagkaka-crush din sa ‘yo? “Ah, hindi ko po alam.”
Naks! Wala ‘ata akong makulit dito, ah. Kumakanta ka ba araw-araw? “Opo, nasa pamumuhay na po ‘yun sa basic ng isang tao at magpraktis ka araw-araw.”
But, I heard your father is ‘yung mahilig sa videoke, parang doon ka nagmana. Who’s your first trainer? “Actually, na-inspire po ako sa ate ko, eh. Kaya nu’ng nakita ko siyang kumakanta, naisip ko na gusto ko rin sa ganito.
“Ah, siyempre po, noong naging part po ako sa Star Magic, sobrang happy po. Kasi, mga bigating artista na po ‘yung mga kasama mo roon. At nu’ng dumating ako sa management na ‘yon, pinagbutihan ko po lalo. Hindi lang po sa pagiging singer kundi sa pagiging artista. Nag-acting workshop po ako para mas ma-develop po ‘yung acting ko.”
Ayon pa kay Raph, pangarap niyang makapagpatayo ng sariling bahay, bagama’t sa ngayon may naipundar na siyang sasakyan na Adventure.
Eh,‘yung sa bahay, sa tingin mo, sa anong subdivision? “Ah, sa ngayon ‘di ko pa po alam, pero nagpe-pray po ako at pinagsisikapan ko.”
Well, bukod sa prayer, trabaho pa ‘yan, eh. So, I wish that will come true. Sige, magkakaroon ka ng malaking bahay. Hahaha!
Pangalawa si Raph mula sa panganay sa limang magkakapatid. Uhmm, how about your brothers and sisters, gusto rin ba nilang mag-showbiz? “Ang mga ka-patid ko, mahilig din silang kumanta. Actually, I like Julie Anne San Jose.”
Ahaha! Matindi ka meeen… maganda ‘yun! Sabay apir namin, hehehe! Bumibigay na. Aha! “Ah, magaling s’ya, si Julie Anne, at nakasama ko nu’n before sa event sa EDSA.”
Ah, ok naman. Friendly naman s’ya? “Masaya s’yang kasama.” Wow, huh!
Ngayong pabinata ka na, ano ang gusto mong role, sa drama ba? “Nag-start po kasi ako sa comedy, eh. Kaya parang mas gusto kong comedy pero parang gusto ko ring i-try ‘yung drama, hindi naman ‘yung heavy drama.”
Anong masasabi mo sa mga fans mo? “Ah sobrang thankful po ako sa suporta nila. Pati po ‘yung effort nila na manood ng Filipino shows kahit sa ibang bansa hindi nila naiintindihan, pinipilit nilang mapanood lang nila ‘yung gues-tings ko.”
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
E-mail: [email protected], [email protected], cp 09301457621
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.
ni Master Orobia