HANGGANG NGAYON, ayaw pa rin ni Raymart Santiago na magsalita tungkol sa isyu nila ni Claudine Barretto.
Naglabas muna ito ng statement bilang sagot sa mga bintang ni Claudine laban sa kanya, kaya nagsampa ito ng Temporary Protection Order sa Marikina Regional Trial Court.
Nagkaroon nga dapat ng hearing nu’ng nakaraang Martes ng hapon pero hindi itinuloy ng judge dahil nagalit daw ito sa dami ng media na gustong mag-cover.
Ang sabi ng abogado ni Claudine, family court daw kasi ito at dapat ay hindi ito nakalantad sa media. Pina-postpone tuloy ng korte ang hearing at itutuloy na lang daw sa susunod na linggo.
Hindi na raw nila sasabihin kung anong araw at oras para maitago na muna ito sa mga reporter.
Naku! Maitatago mo ba ‘yan? ‘Di ba kapag kinukunan ng camera, umiiyak itong si Claudine? Tuwing punta nga raw nito ng korte, may crying scene siya.
Sabi nga ni Raymart sa inilabas niyang statement, “Marami ang makapagpapatunay na may kakayahan siyang gumawa ng kuwento.”
Itinatanggi ni Raymart ang lahat na ibinintang sa kanya. Magsasalita raw siya sa korte para maipatanggol naman daw niya ang kanyang sarili.
Basta sabi niya, hindi raw niya magagawa na saktan ang kanyang asawa. Kaya raw siya naglabas ng statement para na rin daw sa kapakanan ng dalawa nilang anak.
Napansin ko lang sa buong statement ni Raymart, hindi talaga nito nabanggit ang pangalan ni Claudine, ha?
Nu’ng nakausap ko nga siya, parang wala na talaga siyang nararamdaman sa kanyang asawa. Nakakapanghinayang din sa totoo lang.
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis