MAY KONEK sa personal life ni Raymart Santiago ang bago niyang primetime teleserye na Second Chances with Jennylyn Mercado, Camille Prats and Rafael Rosell sa direksyon ni Laurice Guillen ng GMA 7. Kung ang pag-uusapan ay tungkol sa pagkakabalikan nina Raymart at Claudine Barretto, wala na raw second chance na magkabalikan pa sila dahil on going pa rin ang kaso nila.
Sabi nga ng actor, “May mga bagay na wala na… Mabigat ang pinagdaanan ko lalo na sa aking pagkatao. Minsan nasaktan ka, may babalik na maganda ‘yun. Hindi naman siguro puro sakit.
Pero kung ang pag-uusapan ay kung puwedeng maging magkaibigan ang dating mag-asawa, mabilis ang sagot ni Raymart. “May pag-asa pa namang magkaroon ng second chance sa tamang oras, tamang panahon. May panahon na dapat nating itama ‘yung mali para sa mga anak mo. Hindi nawawala ‘yung effort ko na maging maayos ang lahat. Gumagawa naman ako ng paraan, maraming tao ang nag-iisip at concern para sa amin. Siguro darating din ‘yun… Well, minsan nakakausap ko siya tungkol sa anak ko.”
For the first time, napasabak si Raymart sa ganitong klase ng heavy drama dahil nakilala at sumikat ito as an action star. May mga nagawa na rin naman siyang drama series, pero para sa kanya matindi itong SC. Ang GMA 7 pala ang namimili ng mga project na ibinibigay sa kanya. Super thankful si Raymart sa Kapuso Network dahil puro magagandang soap ang ibnibigay nito sa actor.
“It’s a love story, ang Second Chances. Nag-enjoy ako rito kahit mahirap. Kailangan pagdating mo sa set, ready ka for take. Kailangang ginawa mo ‘yung assignment mo, make it a point na walang mang-iistorbo sa akin. Nasa bahay lang ako, pinag-aaralan ‘yung character ko sa soap. Kailangang mahalin mo ang trabaho mo, lalo na ‘yung style ni Direk Laurice, kailangang ayusin mo ‘yung trabaho mo.”
As leadingman ni Jennylyn, may physical attraction kayang nararamdaman si Raymart sa actress? “Sabi ko nga kay Jen, hindi pa ako ready, joke! Hindi mo maiiwasang magkagusto sa isang tulad ni Jennylyn. Sa ganda niya, sa talent niya, mabait. Kagaya nga ng sinasabi ko, hindi pa ako handa. Hindi masama ang makipagkaibigan.”
Kung sakaling ma-link si Raymart kay Jennylyn, handa naman siya dahil may soap nga sila together. “Hindi malayo ‘yun. Alam mo, ma-attract ka naman talaga kay Jen. Pero gaya nga ng nasabi ko, sira ang buhay ko ngayon. Ayaw kong pumasok sa isang sitwasyon na hindi ako handa, may mga kaso pa akong dapat harapin. Ayaw kong madamay pa kung sinuman ‘yung magkakaroon ng kaugnayan sa akin. Ang puso okay, ang korte nandyan. Hahaha! Ang puso ko sarado muna hanggang matapos ‘yun. Hindi ko nga alam kung kailan ito matatapos. ‘Yung custody hindi pa nga tapos eh, so malayo-layo pa ang aking lalakbayin.”
Kahit walang lovelife ngayon si Raymart, trabaho at sports ang kanyang pinagkakaabalahan. “Kahit gustuhin ko man, complicated ‘yung sitwasyon. Ayaw ko namang idamay ‘yung ibang tao sa personal kong problema. Hindi natin masasabi kung hanggang kailan matatapos ‘ito. Gusto kong maging maayos ang lahat ng gusot. ‘Yun ang pinagdarasal ko.”
Nagpakatotoo si Raymart nang sabihin nitong malungkot siya sa nangyari sa kanila ni Claudine at sa pagpanaw ng kanyang mahal na ina. Hindi kumpleto ang buhay ko sa ngayon, nakikita ninyo masaya ako, pero ang totoo malungkot ako dahil sa mga anak ko. ‘Yung pamilyang buo, na sana maayos, hindi naging ganu’n. Hindi ako masaya lalo pa sa pagpanaw ni Mommy.”
Nang gabing ‘yun, kapansin-pansin ang ganda ng katawan ni Raymart kaya’t willing itong rumanpa sa Cosmo this year. “Sa ngayon hindi muna, wala pa akong oras at saka paghahandaan ko ‘yun. Workout 2 to 3 times a week. 2 to 3 hours,” aniya.
Kahit gaano kabigat ang problemang pinagdaraanan ni Raymart, very positive pa rin ang outlook niya sa buhay. Naka-move-on na siya kaya very pleasant ang itsura niya that night. Kailangang ibigay niya ang best performance niya as an actor dahil first time niyang makakatrabaho ang award-winning director na si Laurice Guillen. Kasama rin sa cast sina Roi Vinzon, Miriam Quiambao, Jackie Rice, Glenda Garcia, and Rickie Davao. Ang Second Chances ay magsisimula this Monday, January 12 sa GMA Telebabad.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield