ISANG SERYOSONG one-on-one interview ang aking ginawa kay Raymond Bagatsing sa kanyang Buboy & Friends Inasal sa # 50 Scout Madrinian corner Scout Torillo sa Barangay South Triangle, Quezon City.
Kilala sa tawag na “Rama” bilang kanyang spiritual name, isang Raymond Bagatsing ang aking tinanong sa kanyang edad. Natawa siya, parang ayaw niyang ipaalam. Dahil ayaw niyang pakialaman ang gulang ng isang tao; kundi kung ano ang na-achieve niya.
Ayon sa kanyang pananaw, “The mind should forever be young. Hindi enough ang one lifetime. Dapat hindi tayo tumatanda. Dapat patuloy lang ang pag-aaral.”
Agree ako sa ganoong paniniwala. Very positive ang outlook niya sa buhay, parang sinasabi niya na kahit mabuhay ka ng ilang beses, kung hindi mo nakikita ang realidad sa iyong buhay, tila parang balon na nauuhaw, subalit nananatiling tigang ito. Ba’t kamo? Kasi nabanggit ko sa kanya na parang hindi siya tumatanda.
Malalim ang taong ito, palibhasa’y alagad ng sining. Nag-share din siya sa kanyang napag-aralang yoga meditation. Ayon pa sa kanya, ‘pag alas-6:00 ng umaga ang gising mo, laging gising ang diwa mo.
NABANGGIT KO sa kanya ang aking pananaw sa mga paniniwala. Sagot niya, “Ang tawag doon ay meditation. ‘Yung pakikipag-usap mo sa creator, matindi ‘yun. Ah, may vision ka, kasi painting is meditation. It’s connected to your conscious and subconscious mind. Plus, the more wisdom you achieve, the more child-like you become, young at heart ka dapat. Kasi mas naiintindihan mo na ang positive energy at spiritual din ‘yon. Your own connection. Oo, at saka sa espirituwalidad. Ang kanilang pag-iisip ay hindi nakapasok sa pera o sa material na buhay. Ang tanong, bakit tayo nandito? Anong saysay ko?
“Ako, Maestro, vegetarian ako, 13 years na. Nagme-meditate ako, 2-3 hours a day for 13 years; every morning, every evening. Walang patid ‘yon. Nagyo-yoga instructor ako sa U.S., nagpa-fasting ako; no food, no water. Dry fasting ako. For 30 hours, ang tubig ko lang, umaga lang. Tapos ‘di na ako nagtu-tubig. Kung susumahin mo lahat ang fasting ko for 13 years, isang taon na akong ‘di kumakain.
“Alam mo, meron akong preparatory school sa Nagcarlan, Laguna. Meron kaming 40 kids, kami ang nagpapataguyod noon. Meron na ring kasamang yoga instructions ‘yon. Kami ang nagpapataguyod noon kasama ang isang Indian monk. Kasi minsan halos libre na ‘yon, parang kami ang nagpapaaral sa kanila. Tapos, minsan nagpi-feeding program kami para sa mga bata at sa pamilya nila.”
Wow! More on cleansing ‘yun. Grabe ang pag-iisip ni Raymond. Kung nakatingin nga lamang sa pagkain. Hindi natin basta magagawa ito. Tiyak pangkaraniwan lang ang pananaw natin sa buhay. Tiyak na ang tanong mo ay papaano ‘yung fried chicken? ‘Yung menudo, kare-kare, ‘yung paksiw na bangus? ‘Yung nakatatakaw ba sa mata at nakabubundat ng tiyan, hehehe! Ta’s parang basurahan nga naman ang large intestine. Kaya mahirap mag-digest ng mga kinain. Grabe! May kasabihan, masarap kumain pero dapat pag-aralan mo muna bago mo ito ipasok sa katawan mo, kasi baka mag-mukha itong basurahan. Hehe…
Mahaba ang naging usapan namin. Nakilala ko ang isang tunay na Raymond Bagatsing sa katauhan ng kanyang mga naging talambuhay. Mataas ang pananaw niya, mataas ang kanyang ambisyon. Katulad ng nabanggit niyang nais niyang maging Hollywood actor. Bagay na hindi matatawaran ang kanyang kakayahan sa larangan ng pag-arte. Bakit nga naman hindi? Bagay na malawak ang daigdig, malawak ang pag-iisip sa malawak na daan sa isang konstraktibong pananaw upang gawing hagdan ang kasaysayan ng nakaraan. Upang mapag-aralan ito sa kasalukuyan, ang negatibo at positibong mga pangyayari sa kanyang buhay.
Itutuloy natin ang kanyang kuwento sa susunod. Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, text: 09301457621 or e-mail: [email protected].
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia