ISANG KAKAIBANG RAYVER Cruz ang napapanood ngayon sa bagong ABS-CBN afternoon series na Magkano ang Iyong Dangal? which also stars Bangs Garcia and Sid Lucero. The series has a mature theme which is different compared with Rayver’s past shows and movies. Magkano ang Iyong Dangal? is the same title of a 1989 movie from Seiko Films which starred Christopher de Leon, Zsa Zsa Padilla and Joel Torre.
‘Ika nga, there is no constant in this world but change. Hindi naman puro teenybopper roles na lang ang gagawin ni Rayver. If he really wants to have an enduring showbiz career, he must be ready to take on the challenge na lagyan ng konting anghang ang kanyang sweet image. At ganito nga ang kanyang ginawa when he accepted the role of Troy, the antagonist, in Magkano ang Iyong Dangal? Balita ring magkakaroon siya ng intimate scene with Bangs.
Tiyak na naninibago pa ang kanyang mga fans lalo pa’t sanay silang nakikita si Rayver playing boy-next-door roles. But I think there is nothing wrong kung mag-try man siya ng ibang character. Dito masusukat ang husay ng isang artista if he can convincingly portray roles which are opposite to his personality.
Rayver comes from the famous Cruz clan of Philippine showbiz kaya naman hindi nakapagtataka that he can pull off a challenging role. Anong mapaghamong papel naman kaya ang gusto niyang susunod na gagampanan? A psycho, a hitman, a jilted lover or a gay man, a deaf-mute… the list goes on.
Aside from acting, Rayver is also known as a dance machine na unang nagpakita ng galing sa pagsasayaw with his group Anime. Kasama siya ngayon sa SupahDance Krew, DanceCool at SupahDance Four na humahataw sa dance floor ng ASAP XV.
Sinabi ni Rayver sa isang interview ng abs-cbnNEWS.com na pinaghandaan niya ng husto ang kanyang role sa Magkano ang Iyong Dangal? Panahon na raw kasi para gumawa siya ng mga mature roles. “Gusto ko rin na mag-iba na iyong ginagampanan ko. Hindi naman forever na bata ako.” He draws inspiration from his father who passed away last year.
Rayver looks up to Sid who is his co-star in the series. Katulad ni Rayver ay galing sa sikat na angkan ng mga Eigenmann si Sid. Matagal na niyang gustong makatrabaho si Sid because Rayver knows he will learn a lot from him when it comes to acting.
Pilit pa rin silang inili-link ni Sarah Geronimo sa isa’t isa. Nauna sa silang nagkasama sa You Changed my Life. Kailan naman kaya sila gagawa ng pelikula na sila ang magka-partner? Well, that would be definitely interesting and exciting!
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda