MABUTI at hindi naasiwa si Rayver Cruz na makasama ang nanay ng girlfriend niya na si Janine Gutierrez at makatrabaho ang kanyang ‘future mother-in-law” na si Lotlot de Leon sa bagong afternoon serye ng GMA-Kapuso Network na Asawa Ko, Karibal Ko na mapapanood na sa October 22 right after GMA’s noontime show na Eat Bulaga.
Syempre, katrabaho mo ang mother in law mo, hindi maiiwasan na magiging conscious ka sa set lalo pa’t ka-eksena mo na siya.
“Its okey naman.” Mabait naman ang binata na pakiwari namin ay pilit maging relax during the open forum sa naganap na grand media conference launching the new LGBT themed afternoon serye na I am sure na tatangkilikin at susuportahan ng LGBT community tulad sa pagtangkilik ng publiko sa My Husband’s Lover at Destiny Rose.
Sa serye, may identity crisis si Jason Abalos na isang transgender woman na sa loob niya ay isa siyang babae sa serye at si Rayver naman plays the role of Gavin na isang balikbayan na makikilala ni Kris Bernal playing the role of Rachel na asawa ni Nathan played by Jason.
During the presscon, mababasa mo na tensed si Rayver dahil hindi niya alam kung ano ang itatawag kay Lotlot na noong una, he addressed her “future mother-in-law” as Tita pero ang sumunod ay tinawag niya ito ng Miss Lotlot.
Reyted K
By RK Villacorta