SIPAT: GROUP DATE daw kapag LUMALABAS sina RAYVER CRUZ at CRISTINE REYES.
EKLAT: IBANG USAPAN na ‘pag UWIAN na!
SIPAT: KAMPANTE naman si RAYVER kung LILIGAWAN niya si CRISTINE.
EKLAT: WALANG TATAY na KUKUMPRONTA sa kanya!
SIPAT: Si MIKEY ARROYO ang MYSTERY LOVER ni RUFA MAE QUINTO?
EKLAT: NABANGGIT na… MYSTERY pa?!
SIPAT: AMININ na kasi ni RUFA MAE kung sino TALAGA ang LOVER niya.
EKLAT: Baka UMABOT pa ‘yan sa SENADO!
SIPAT: ‘LUMANG ISYU’ na si DEREK RAMSAY, sey ni GRETCHEN BARRETTO.
EKLAT: It TAKES ONE to KNOW ONE…
SIPAT: In fairness, BONGGA ang ‘MAGKARIBAL’ nina LA GRETA at BEA ALONZO.
EKLAT: HINDI ‘yan wina-WATCH ni CLAUDINE. Pramis!
SIPAT: NAGKAKAINLABAN na naman daw sina RICHARD GUTIERREZ at ANNE CURTIS.
EKLAT: PALITAN na ang PUBLICIST ng PELIKULA nila!
SIPAT: May kani-kanyang SYOTA na sina RICHARD at ANNE, ‘no!
EKLAT: ‘WAG nang IPILIT ang GIMMICK, baka lalo pang SUMEMPLANG ang PELIKULA nila.
SIPAT: NAPIKON si AMY PEREZ sa NAGBABANGAYANG GUESTS niya sa FACE-TO-FACE.
EKLAT: INIS-TALO si AMY, o!
SIPAT: BAKIT daw AWITIN ng JUKEBOX QUEEN ang IPINABIRIT kay PIOLO PASCUAL?
EKLAT: A] BAGAY sa BOSES niya; B] BAGAY sa kanya; C] WHY NOT?
SIPAT: BAKIT daw HINDI TINILIAN ng mga BADING ang ILANG MALE CELEBRITIES na RUMAMPA sa FASHION SHOW ng BENCH?
EKLAT: NAAMOY nila… ang LANSA!
Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service