AT LAST, natupad na ang pangarap ni Pokwang na mag-bida sa pelikulang A Mother’s Story, produced ng TFC, distributed by Star Cinema. Mismong si Gabby Lopez ang pumili pala sa comedienne for the role of Medy, a wife, a mother, an OFW na piniling mapalayo sa kanyang pamilya para magtrabaho sa amerika. Ito’y naipalabas na sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Inamin ni Pokie na nagkaroon ng standing ovation nang mapanood ito ng ating mga kababayang OFW sa Aliw Theater sa US. Matindi raw ang acting performance na ipinakita ng TV host-comedienne sa nasabing pelikula.
Malaki ang pagkakahawig ng istorya nito sa tunay na buhay ni Pokwang. Mga karanasan ayaw na niyang balikan noong time na OFW pa lang siya. Isang bangungot na paulit-ulit na bumabalik sa kanyang alaala tuwing nabubuksan ang mapaiit na karanasang sinapit niya sa ibang bansa. Umpisa pa lang ng presscon, umiyak na agad si Pokie nang tanungin sa kanya ang tungkol sa namatay niyang anak.
Ilang beses na natin narinig ang true-to-life story ni Pokwang hanggang naisadula ito sa Maalaala Mo Kaya. Nang dahil sa matinding pagsubok sa buhay, pilit na bumangon at nagpakatatag para sa kanyang anak. Director John D. Lazatin is confident that his lead star is the perfect choice for the role. “This is Pokwang’s best performance! Outstanding!”
NAKAUSAP RIN namin si Rayver Cruz na kasama rin sa cast ng A Mother’s Story. Ask namin kung saan siya magse-celebrate ng kanyang Christmas?
“Sa bahay lang, family… tapos sa December 25, kita kami ni Cristine,” say niya.
Christmas gift for Cristine? “Wala pa nga. Siguro, tatanungin ko na lang siya kung ano ang gusto niya. Mahirap kasing magbigay na baka hindi niya magustuhan,” simpleng sagot ng binata.
Thankful si Rayver sa mga blessing na dumating sa kanya sa taong ito. “Siyempre, tulad ng ‘Reputasyon’. Sobrang thankful ako na napasama sa cast dahil napakagandang teleserye talaga. All through this year naman happy ako sa life ko with Cristine at sa lahat ng mga nangyari sa career ko,”aniya.
Kahit maraming issues sa kanila ni Cristine, hindi na sila affected nito. “Palagi siyang nand’yan. This year naman talaga, maraming issue pero masaya ang taong ito para sa akin.”
May issue pa ngang may nakakita kay Rayver na may ka-date itong ibang babae. “Nag-tweet siya sa akin. Sabi niya, ‘playboy ka pala’. Kasi, noong mangyari ‘yun, magkasama kaming dalawa. Sabi ko, ang galing ko naman, nagkamali lang, hindi ako ‘yun. Kilala naman niya ako, one year and three months na kami last December 14,” say ni Rayver.
Secret sa inyong relationship? “Siguro ‘yung balance, may time ka sa sarili mo, may time kayo sa isa’t isa. Sobra kaming kumportable sa isa’t isa,” pahayag nito.
Sa ngayon, masasabi ni Rayver na nag-mature na ang kanilang love relationship ni Cristine. “Yeah, mature na, nagulat nga kami kapag nag-uusap kami. Pero paminsan-minsan, may tampuhan rin, pero mabababaw lang. Matampuhin itong si Cristine. Pero kapag alam niyang nagtatampo ako, salitan naman, give and take. Kapag nagtatampo, ‘yung hindi ka kikibuin, sobrang tahimik, ganu’n ‘yun. Gusto niyang nanghuhula ako, sanayan lang. Hahaha!”
May tsikang interesado ang TV5 na kunin si Rayver at ang balita namin sobra raw ang laki ng offer ng Kapatid network. “Eversince nasa ABS ako, kahit ‘yung kapatid ko nasa TV5. Mas maganda siguro hiwalay kami, ‘di ba ? Ang ABS ang nag-alaga sa akin. After Reputasyon may kasunod naman akong teleserye next year.”
Next year, nagpa-plano si Rayver mag-bakasyon sila ni Cristine kung maluwag daw ang schedule nilang dalawa. “Siguro abroad kung sakaling may time kami ni Cristine. Wala namang specific, basta makapag-relax lang, makapag-ikut-ikot. Pinapayagan naman kaming dalawa. Pero usually, kapag umaalis kami may kasama kaming mga kaibigan,” paliwanag ng aktor.
Para kay Rayver, si Cristine na kaya ang itinakda para makasama niya habang buhay? “Mahirap kasing magsalita ng tapos. Kung sa akin lang, oo naman, okay lang sa akin. Kung tatagal kami, kami naman talaga, bakit ang hindi, ‘di ba? Nasa kanya naman lahat, nakita ko kung gaano niya ako kamahal. Hindi ko muna iniisip ‘yun, dahil kapag nag-expect ka naman, hindi mangyayari. Kung ipahihintulot ng Panginoong Diyos na kami, so be it!”
Ganu’n?
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield