THE REAL CHARITY DIVA: Token Lizares launches her own CD to help the poor and sick

Token Lizares

HINDI siguro akma kay Token Lizares na tawagin siya sa bansag or monicker na “Charity Diva” kung hindi naman siya nagkakawang-gawa.

 
In short, madami na rin naman siyang napatunayan para hindi nakakahiya na pangatawanan niya ang ganung bansag.
 
Yes, this singing diva from Bacolod City performs and sings for free ay swak lang for her alyas dahil sa mga nagawa niya.
 
We’ve witnessed the charity works of Token when we visited Bacolod City almost two years ago kung saan she performs for free para sa kanyang advocacy para makatulong sa mga may sakit, mga abandoned children at mga matatanda na may mga sakit na iniwanan na or if not ay pinabayaan na ng kanilang mga pamilya.
 
Recently, she performed again for free for a fund raising projects para sa pagpapaayos ng isang church down south of Bacolod City with Michael Pangilinan na katuwang ni Token sa ilang mga instances na hindi na nakakarating ang balita sa mga charity works niya to help raise funds para sa mga charitable institutions na tinutulungan niya.
 
For the nth time, ”The Charity Diva “performs this Friday, September 30 at 8PM  at the RJ Bistro of the Dusit Thani Hotel in Makati to launch her new music CD “Token Lizares: Till the World is Gone” composed by Vehnee Saturno.
 
The album consists of 5 tracks with 5 minus one para pwede sabayan ng mga mahiligin na kumanta.
 
Kasama sa album ng Charity Diva ang mga awiting Ikaw ang Sasagot, Ganyan Ka Kamahal, One Life to Live,  ang carrier single na Till the World is Gone at ang Time Moves On na si Token ang sumulat.
 
The music CD is now available and can be downloaded on Spotify, Amazon and iTunes.
Mula sa akin, congratulations Token and God bless you on your effort to help.
 

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleJOHN LLOYD CRUZ AND ELLEN ADARNA: DRUNK IN LOVE!
Next articleBABY #2 ON THE WAY: Sarah Lahbati, manganganak sa April 2018!

No posts to display