MATAGAL nang wish ng internationally-acclaimed director na si Brillante Mendoza at ni Boss Vic del Rosario ng Viva Communications Incorporated join forces for a film at ang Palitan na streaming na ngayon sa Vivamax is just one of the many projects lined up for this formidable and exciting collaboration.
“Whenever I see Boss Vic abroad, sa mga festival, sabi niya, ‘Kailan tayo gagawa?’ Sabi ko malapit na Boss, malapit na,” pagbabahagi ng direktor sa PUSH.
Ang Palitan ay isang GL or girls love movie na pinagbibidahan nina Cara Gonzales, Jela Cuenca, Rash Flores na pawang mga baguhang artista ng Viva at ni Luis Hontiveros na dating PBB housemate. Matapang na ipinakita sa pelikula kung gaano kasidhi ang pagmamahalang nararamdaman ng dalawang babae na nagsimula during their teenage years.
At kahit pareho ng nagkaroon ng kani-kanyang boyfriend, hindi pa rin nawala ang pagmamahal nila sa isa’t isa na muling nanariwa sa dalawang magkaibang “four some scene” sa pelikula. Pero bukod sa naturang “four some” ng mga bida, dahil tungkol nga sa girls love ang Palitan kaya may love scenes din dito ang mga bidang babae.
Mapangahas, matapang at walang pakialam sina Cara at Jela sa pagpapakita ng kanilang love language sa mga intimate scenes. Para sa amin, this is Brillante Mendoza’s boldest film pero hindi naman niya pa rin isinakripisyo ang kalidad ng pelikula. Kahit maraming provocative scenes sa Palitan ay ginawa naman ito in a very artistic manner.
Nakatulong din ng malaki sa pelikula ang napakagandang lokasyon nito na kinunan pa sa Pola, Oriental Mindoro.
Teka, bakit nga ba isang GL movie ang kanyang ginawa sa Vivamax na parang malayo sa nakasanayang pelikula ng kanyang mga tagasubaybay?
“Ang GL kase ay importante ding subject matter sa atin like BL considering na catholic country tayo and yet ironically tayo ang isa sa pinaka-liberated na bansa pagdating sa same gender relationship.
“Although dito sa atin compared sa ibang bansa hind pa accepted ang lesbian relationships. Nagustuhan mo ba ang pelikula?” balik-tanong niya sa amin na sinagot namin ng, “Oo naman!”
Hindi ba siya nahirapang paartehin ang mga baguhang artista sa Palitan?
Tugon niya, “Alam mo, masarap katrabaho ang mga baguhan. Kahit si Coco (Martin) at si Vince (Rillon) nag-umpisa silang magbida sa first film nila pero baguhan sila.
“Kapag bagong artista kase raw pa ang emotion. Kung ano ang sabihin ng director sinusunod lang nila. Hindi yung kung anu-ano ang nilalagay sa utak nila na kung minsan nakakalito na kapag nakita sa screen.”
Ibinahagi rin ng Cannes Best Director kung paano niya nailabas ang husay ng mga artista sa kanyang bagong obra.
“Siguro kailangan lang ng trust at seryosong usapan bago pa man mag-shoot. Na ang paggawa ng pelikula at pag-arte ay isang professional na trabaho at hindi raket lang.
“Siguro sa umpisa pa lang dapat maramdaman na ng mga artista na seryosong trabaho ang ginagawa naming lahat,” katwiran ni Direk Dante na may dalawa pang pelikulang naka-line-up sa Vivamax – ang Sisid (Kylie Verzosa, Vince Rillon at Paolo Gumabao) at ang Bahay Na Pula (Julia Barretto, Xian Lim at Marco Gumabao).
More than the passionate lovemaking and sexy scenes in Palitan, the movie also has its share of some profound realizations about life — from embracing one’s identity, learning how to ask for help while battling your demons, confronting your oppressors, and standing firm with your life choices.