Red carpet premiere ng “Hele sa Hiwagang Hapis” sa Berlin International Film Festival, inabot ng 8 oras

Red carpet premiere ng "Hele sa Hiwagang Hapis" sa Berlin International Film Festival, inabot ng 8 orasNairaos din last night ang red carpet premiere screening ng pelikulang “Hele sa Hiwang Hapis”.

Proud to be a Filipinos ang cast na naroroon para bigyang-suporta ang kanilang pelikula na pinangungunahan nina John Lloyd Cruz at Piolo Pascual kasama sina Angel Aquino, Cherie Gil, Alessandra De Rossi, Susan Africa, Bernardor Berardo, at Joel Saracho na ayon sa report ng The Guardian (UK), ang pelikula ay inabot nang halos walong oras na nagkaroon lang ng one hour lunch break.

Ayon sa report ng Agence France-Presse (AFP): The 1,600-seat Berlinale Palace Theatre, more than half the audience was still present and rewarded the 57-year-old filmmaker with warm applause and cries of “bravo”.

Ang pelikula ay kabilang sa 18 films na maglalaban-laban para sa Golden Bear Award as the top price sa naturang festival.

Si Meryl Streep na president of the jury, kasama ang kanyang seven-member panel at si British Actor na si Clive Owen ay naroroon sa screening na pinanood ang kabuunan ng pelikula.

Ang “Hele sa Hiwagang Hapis” ni Lav Diaz ay pangatlong Filipino film na lumahok for competition sa Berlin Film Festival, kung saan ang mga obra ni Ishmael Bernal (Himala) at Brillante Medoza (Captive) ang mga nauna.

Sa buong casts at produksyon ng pelikula, mabuhay!

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleAra Mina, kahit anong gawin niya, wala raw paki si Mayor Patrick Meneses
Next articleMatteo Guidicelli, kapansin-pansin ang “ipinagmamalaki” sa bagong pelikula

No posts to display