PITONG TAON na pala ang nakalilipas nang unang magwagi si Regine Angeles sa “Be Bench” model search ng ABS-CBN, and seven years rin ang hinintay niya para magbida sa isang pelikula.
Yes, after 7 years, bida na si Regine sa Sigaw Sa Hatinggabi ng batikang director na si Romy V. Suzara na kasalukuyang palabas pa rin sa SM cinemas nationwide.
Taos-puso ang pasasamalat ni Regine kay Direk Romy sa tiwala sa kanya, pati na sa manager niya ngayong si Manny Valera ng DMV Entertainment.
Leading man naman ni Regine sa said film ang isa pang alaga ni Direk Manny na si Richard Quan, na tulad ni Regine, ay isa ring member ng Iglesia Ni Cristo.
Kung hindi kami nagkakamali, ito rin ang first lead role ni Richard in film, dahil ang sinasabi ni Richard sa aming Potpot na nagbida rin siya, eh tatay lamang siya ng bida sa istroya, at bagets actor ang lead, played by Jak Roberto.
Rebelasyon ni Direk Romy, ang role ni Regine ay originally intended for Vilma Santos. In fact, pinuntahan pa ni Direk Romy si Ate Vi sa Batangas, pero may sakit ito at hindi makapag-commit gawin ang film.
Aminado naman si Regine na super tensiyonada siya nang “iangat” ang kanyang role, at in-adjust na lang ang edad sa kuwento.
We also heard na na-consider din si Alice Dixson for the role (ng isang “medium” o taong kumakausap sa ghosts), pero hindi nagkasundo somewhere, kaya napunta kay Regine ang lead role.
Kasama ang Sigaw Sa Hatinggabi sa Sineng Pambansa Horror Plus Film Festival, na showing hanggang Nov. 7. Si Regine ay napapanood din sa Two Wives ng Kapamilya Network.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro