Kaliwa’t kanan ang pagdating ng blessings sa talented at masipag na Zumba Queen na si Ms. Regine Tolentino. Magiging sobrang abala siya sa bagong pasok na taong 2017, bukod kasi sa maglalabas siya ng bagong album ay may gagawin ding indie film ang segment host ng “Unang Hirit”.
Ano ang latest news kay Ms. Regine?
Sagot niya, “Katatapos lang ng US tour ng Organique Acai Berry. So, we’re gonna do part-2 this April-May sa California pa rin ‘tsaka Las Vegas. Tapos, mayroon din po tayong tour for Flanax. I’m the new endorser of Flanax. We’ll do the commercial and the shoot this year.
“Tapos this year na rin ‘yung launching ng album ko. Dance album ito, finally! Kumbaga, nagko-compose kami ngayon ng mga songs na may arranger na ako. Yes, nagsusulat ako ng mga songs. Dream come true na magkaroon ako ng album this year and concert-fashion and dance concert.
“So, very exciting itong year na ito and iyon, tuluy-tuloy lang ‘yung mga activities ko with Zumba. We have a tour all over, actually sa US, Singapore, Japan, Dubai, all around Asia po for the Zumba fitness. Tuluy-tuloy lang ‘yung pagsasayaw ko, more active lang po talaga ako sa dance fitness especially this year,” masayang saad niya.
Pahabol pa ng super-seksing fitness guru, “Sa 2017, more acting jobs and I have a movie later on in the year with Direk David Fabros. Indie film siya, pero it’s a very big production.”
Since separated na sila ni Lander Vera Perez, inusia rin namin si Regine kung okay lang ba na malamig ang Pasko niya, as long as kasama ang kanyang dalawang anak?
“Yes, super okay na malamig and Pasko ko, as in, super lamig dahil nasa Japan kaming tatlo hanggang January 8,” nakangiting sagot niya.
“I am super happy celebrating my eldest daughter’s 18th birthday out of the country. Malamig ang panahon, but I am happy and contented basta kasama ko ang mga pinakamamahal kong tao sa buhay ko, Reigne and Reigen.”
Ipinagmalaki rin ni Ms. Regine ang kanyang mga talented at magagandang anak. “Si Reigne nasa Ateneo na, scholar siya sa Ateneo. Si Reigen second year high school naman. Yes, sumasayaw sila, nagzu-Zumba but they’re very focus with their studies. They’re both scholar sa school, very good student, active sila roon.”
Nonie’s Niche
by Nonie V. Nicasio