NGAYONG SUNDAY, FEBRUARY 28 na ang final episode ng SOP Fully Charged at napatunayang “lowbat” pala ito, dahil sa consistent na low ratings ng show, kumpara sa rumaratsadang ASAP XV ng ABS-CBN.
Mga anim na taon din halos laging tinatalo ng SOP ang ASAP, not until “mag-resign” ang executive producer ng show na si Perry Lansigan, kaya ni-reformat ng GMA ang SOP, pero hindi nga kinagat ng viewers.
Kahit sina Regine Velasquez na mismo ang aminadong ang strength ng dating SOP ay concert party, live song numbers, live band. At the time naman na “nagkakagulo” sa SOP, eh, on sick leave si Regine. Pagbalik niya sa show, nangyari na ang mga pagbabago, and hindi lang naman siya ang star ng show upang pakinggan ang kanyang ideas.
Party Pilipinas ang ipapalit na show sa Sunday show ng Kapuso network with new production staff, pero retained pa rin ang apat na main hosts na sina Regine, Ogie Alcasid, Janno Gibbs, and Jaya at nand’yan pa rin sina Jay-R and Kyla. May mga bagong idadagdag, na we certainly hope ay mga “deserving” to be in the show, at ‘wag nang ipagpilitan pa ang mga wala naming magagawa na maiangat ang kalidad ng show, huh!
Come to think of it, February 2, 1997 unang umere ang SOP. Pebrero uli ang pag-babu nito sa ere, pero after 13 years. Sina Ogie, Janno, and Gabby Eigenmann lang ang orig guys. 1998 pumasok si Regine.
Si Vina Morales ang isa sa orig female hosts, kasama sina Cacai Velasquez, Bernadette Allyson, and Amanda Page. Naisip lang namin, kung mag-expire na kaya ang contract ni Vina sa Star Magic ng Dos, bakit hindi mag-offer ang Siyete to Vina na bumalik dito?
Kaso lang, baka tumaba na si Vina at busy na sa pagiging nanay. Pero kung makabalik (like Zsa Zsa Padilla noon), hindi matatawaran ang talent ni Vina in singing and dancing, in fairness, kesa naman sa ibang mga walang name, huh.
That is, kung magkaka-interes sa kanya ang Siyete. Pero kung happy pa si Vina sa Dos, mananatili itong Kapamilya.
SAMANTALA, MUKHANG “NAPIGILAN” ng GMA ang pag-ober da bakod nina Ogie at Regine sa TV5, bagamat inamin ni Ogie na nakipag-usap siya sa mga TV5 executives, dahil kaibigan umano niya si Manny V. Pangilinan, “But my heart is with GMA,” say ni Ogie sa entertainment press sa Yes! Mag 10th anniversary party sa NBC Tent na dinaluhan ng inyong lingkod.
As for Regine, simula na ngayong March 1 ang kanyang Diva, ang original kantaseyre na isa siya sa may ideas. Isa itong musical-drama, kung saan kasama niya sina Mark Anthony Fernandez, Glaiza De Castro, TJ Trinidad, and Rufa Mae Quinto, directed by Dominic Zapata.
“Ang hirap palang mag-direk ng drama-musical,” hirit ni Direk Dominic. “Pero kikilitiin ang ibang bahagi ng inyong puso sa mga performances sa show. Weekly rin ay magkakaroon ng singers as guests who will add credibility sa Diva.”
NILINAW NI DIETHER Ocampo sa presscon ng Rubi na hindi pag-aartista, kundi pagho-host ang gustong pasukan ng syotang si Rima Ostwani, ngayong hina-handle na ito ni Boy Abunda.
“Rima is a very good host. Just to give you a brief background, before siya makuha sa trabaho niya ngayon, she actually applied sa ANC (cable news channel ng ABS-CBN). Nakatanggap siya ng tawag para mag-training na, pero minabuti niyang unahin muna ang ginagawa niyang trabaho ngayon.
“But given the opportunity to try it again, definitely, sa tingin ko, hindi malayong mangyari ‘yun, dahil yun talaga ang gusto niya. It’s also related sa kinuha niya noong college which is International Relations.”
Happy si Diet sa ratings ng Rubi nila nina Angelica Panganiban at Jake Cuenca para sa ABS-CBN.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro