MARAMI ANG nag-text sa amin matapos ipalabas ang Icons at the Arena concert sa ABS-CBN last Sunday night kung bakit wala raw sa airing ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez gayong nag-perform naman daw together ang dalawa, na itinuturing na rin naman na local music icons, nu’ng gabi ng pagtatanghal.
Base sa aming napag-alaman mula sa aming mapagkakatiwalaang source, hindi diumano pumayag ang GMA-7, kung saan may existing exclusive TV contract ang mag-asawa, na isama sa TV airing ng concert sa Kapamilya Network ang performance nina Ogie at Regine na nag-duet ng kanilang mga original na kanta dahil nga raw sa kanilang eks-klusibong kontrata bilang Kapuso artists.
Kaya kahit sa huling bahagi ng show kung saan kumanta ang lahat ng performers ng Impossible Dream para kay Henry Sy ng SM, minabuti na lang daw ng produksiyon na hindi na pa-kantahin pa sina Ogie at Regine kung bawal din lang naman daw silang lumabas sa Dos once na umere ito, at dahil baka maging mahirap din para sa kanila (production) na i-edit out ang parte ng dalawa kung sakaling kasama sila since isa iyong group number.
Paboritong kanta raw ng SM honcho ang Impossible Dream, kaya kahit hindi ito OPM song ay ipinakanta na rin ‘yon sa ating mga music icon bilang ending song matapos mapanood ang music video ni Gary Valenciano (na out of the country nu’ng gabing ‘yon), kung saan kinanta nito ang original composition ni Ryan Cayabyab na Song for a Father dedicated to Mr. Sy. Besides, proyekto raw kasi talaga ng SM ang natatanging palabas para sa grand launch ng MOA Arena na nagkakahalaga raw ng P4 billion!
Going back to Ogie and Regine, pumayag lang umano ang GMA-7 na ipakita ang mga larawan ng dalawa at banggitin ang kanilang mga pa-ngalan sa ABS during the promotion only bago ganapin ang concert nu’ng June 16. Pero after daw no’n ay hindi na raw puwede, gaya ng sa teaser ng TV airing, ayon sa aming source.
Nang malaman daw ng mag-asawa ‘yon ay nanghinayang at nalungkot diumano sila at wala rin daw ibang nasabi si Regine kung hindi, “sayang nga, eh”. Kaya lang, wala raw silang magagawa.
Dahil sa kahusayan, kahit na last minute, sina Dulce at Rachel Alejandro raw agad ang pumasok sa isip ng production na ipalit kay Zsa Zsa Padilla the night before the concert nang kailanganin nitong itakbo bigla sa ospital ang kanyang long-time partner na si Tito Dolphy na naunawaan naman daw ng lahat.
At gaya nang una naming naiba-lita sa inyo dito sa aming column, kasama raw dapat si Charice sa nasabing historical concert, kung saan minsan lang magsama-sama ang ilan sa ating mga iconic singers, pero naiba nga raw ang ihip ng hangin. So, gaano kaya katotoo ang nakarating sa amin na ang talent fee raw ngayon ni Charice ay nagre-range diumano mula P1-3 million?
KAHIT NA kapapalabas lang ng pilot episode ng Lorenzo’s Time nu’ng Lunes ng gabi, sabak pa rin sa taping ang buong cast nito nu’ng araw ring ‘yon. May eksenang kinunan sa tapat lang ng ABS-CBN main building sa Sgt. Esguerra Avenue kung saan kasama si Carmina Villaroel.
Sa labas no’n ay may mamang nagti-tinda araw-araw ng fish balls, chicken balls, squid balls at kwek-kwek. Biglang nag-tsika sa amin ang mama na kumakain daw pala si Carmina ng gano’ng klase ng pagkain o street food.
Ang lakas daw palang kumain ng aktres ng gano’n dahil naka-P30 worth ng squid balls ito na P2.50 ang isa na ang ibig sabihin ay 12 pieces ang nakain nito, at naka-dalawang stick pa ng kwek-kwek o walong pirasong itlog ng pugo.
Nakita na lang namin si Carmina na nakatalikod habang naglalakad na tila tapos nang kumain, kaya siguro may hawak na itong naka-plastic na softdrink na may straw.
FLY AGAD ng Hong Kong si Sylvia Sanchez last Thursday nang mag-last taping day ito para sa Mundo Man ay Magunaw the day before para makapagpahinga ng limang araw. Kasama ng magaling na character actress ang kanyang kabiyak na si Art Atayde, bunsong anak na si Xavi at Yaya Yakyak nito. Ngunit nataranta ang mag-asawa bago sila tumawid ng Macau dahil biglang nilagnat ang bunso nila, kaya dinala pa nila ito sa ospital na awa ng Diyos, ay gumaling din agad.
Nitong Lunes lang dumating sina Sylvia, pero kahapon ay balik-taping na ulit ito para sa kanyang bagong teleserye, ang comedy-drama na Be Careful with My Heart kung saan gaganap itong mabait na ina nina Jodi Sta. Maria at Aiza Seguerra.
Proud mommy rin si Ibyang sa kanyang binatang anak na si Arjo Atayde (na nasa pangangalaga na ng Star Magic) na marami ang pumupuri sa pag-arte nito sa E-boy at Maalaala Mo Kaya.
Personal: Happy birthday to my dear friend, Sheila Quieta! :)
Franz 2 U
by Francis Simeon