ISA SI Ogie Alcasid sa mga celebrities na naimbitahan ni Governor Vilma Santos na mag-judge sa grand finals ng singing contest na VSR (Voices, Songs, & Rhythms) na nagsilbing one of the highlights ng katatapos na Ala Eh Festival, an 8-day celebration ng foundation day ng Batangas na ginanap sa Calaca na siyang host town for this year.
Taga-Taal, Batangas si Ogie. At dahil lagi siyang may panahon sa mga imbitasyon kapag may events sa lalawigan, napapabalita na ta-takbo raw siyang Mayor sa kanyang bayan na pinagmulan.
“Ah… hindi,” natawang paglilinaw ng singer-asong writer. “Wala po akong hilig diyan.
“’Eto ‘yong totoo… mas gusto kong mag-artista!” sabay tawa ni Ogie.
Maraming artista ang napapag-sabay ang showbiz career at ang politics, ‘di ba?
“Hindi po, eh. Buti kung… sa akin, ha… marami na rin akong ginagawa. Singer ako. Artista pa ako. And then may mga advocacies pa ako. Hindi ko na alam kung saan ko ilalagay ang sarili ko. May pamilya pa ako. Kaya hindi ko alam kung saan ko isisiksik ang oras ko. So, ano lang ako… suporta lang ako… ‘yan kay Ate Vi.
“Actually, very active ako rito sa Batangas. Kasi, ‘yong hometown ko, ‘yong Taal , tinutulungan ko na dumami ‘yong… sa tourism. Ngayon, dumarami na. Nauuso ngayon ‘yong nagli-lease sila ng mga bahay sa Taal pagkatapos eh, puwedeng mag-bed and breakfast. Tapos kung napapansin ninyo, ang dami nang nagsu-shooting doon. Kagaya no’ng kay Ate Guy (Sa Ngalan Ng Ina mini-series ng TV 5). Halos madalas na ang mga nagsu-shooting doon. Nakakatuwa, kasi it’s a very quiet town. Eh, siyempre town namin iyon, so we’re very, very proud of Taal.”
Sa pamilya nila ‘yong Rural Bank of Taal, ‘di ba?
“Sa nanay ko,” medyo natawa ulit na sagot ni Ogie.
And since they own a bank nga in Taal, sinasabing isa sila sa pinakamayamang pamilya sa nabanggit na bayan.
“Hindi naman!” tuluyang napahalakhak nang reaksiyon ng actor-singer and song writer.“Ano po kasi iyan, ‘yong bangko po namin, ah… ang nagpundar po noon, ‘yong lola ko. And ipinagpatuloy lang ng Mommy ko.So… it’s a small bank na… we cater to the farmers. We cater to the… sa mga taga-roon lang. Minsan umuutang din ako! Ha-ha-ha! Maliit lang siya na rural bank.
“Mommy ko ang taga-Taal. Sa Calamba, Laguna talaga ang mga Alcasid. But my father grew up in Lemery which is the next town. ‘Yong Taal at Lemery, ang pagitan niya ay isang tulay lang, eh. Do’n sila nagligawan. Kasi pareho sila ng pangalan, eh. ‘Yong tatay ko ang pangalan niya… Herminio. Ang pangalan naman ng nanay ko… Herminia. So… Herminio Jr. ako. Bihira akong umuwi sa Taal. Kapag fiesta lang o kapag naimbita. Kasi kami (ni Regine) naman, sa Nasugbu kami. Dahil doon kami ikinasal. May konti kaming lugar doon.”
Mga ilang buwan pa kaya bago maging active ulit si Regine sa kanyang career?
“Meron kaming concert. Sa February 14 (next year) sa Araneta Coliseum. Ang title… Mr. & Mrs. A. So… abangan ninyo iyon.”
After that concert, ano pa ang ibang plans ni Regine regarding her career?
“Hindi ko alam, eh. Wala pa siyang sinasabi sa akin, eh. Pero ‘yong concert namin ang una niyang gagawin.”
BLIND ITEM: Gaano nga kaya katotoo na may cancer ang isang guwapo at kilalang hunk actor?
Isa kasing merong kapatid na may cancer ang nagkuwento sa amin… nakakasabay raw ng kapatid niya sa pagki-chemotherapy ang hunk actor na ito. Hindi pa nga lang daw nila alam kung ano talaga ang sakit nito.
Pero the mere fact daw na sumasailalim ngayon sa chemotherapy nga ang hunk actor, ibig sabihin ay meron siyang cancer.
Marami na rin ang nakakapansin na unti-unti nang nahuhulog ang dating magandang bulto ng pa-ngangatawan ng hunk actor. At ang kanyang buhok, parang numinipis na rin. Sa hitsura nito, para nga umanong may iniindang karamdaman na gustong ilihim na lang.
Clue? Miyembro siya ng isang sikat ding grupo ng hunk actors na ngayon ay nagkawatak-watak na.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan