Regine Velasquez, bumaba ang kumpiyansa sa pagkanta

Regine-VelasquezBUMABA PALA ang self confidence ni Regine Velasquez when it comes to singing pagkatapos niyang isilang ang panganay nilang anak ni Ogie Alcasid na si Nate.

“After giving birth kasi, I had a hard time going back to singing. I was ceasarean, siyempre na-stretch yung aking tiyan. Siyempre, the muscles are not intact… matagal talaga, eh. ‘Yung iba nga, I’ve heard na nagkakaproblema sila with their notes, ‘yung key nila bumababa.

“Hindi ko naman naging problema ‘yon, pero ang mas naging problema ko is ‘yung acid reflux kasi parang, I think I had it naman na before pero talagang naging grabe lang siya after giving birth.

“So, medyo ‘yon ang mahirap talaga kasi talagang nagka-crack ‘yung voice ko. It was very hard for me to sing, plus ‘yung confidence ko bumaba rin kasi minsan, akala mo okey tapos biglang mag-a-attack siya. So, parang you can’t do anything about it. Hirap ako talagang kumanta, as in nahihirapan talaga ako,” seryosong kuwento ni Regine.

Pero medyo okey na raw naman ang boses niya ngayon.

“But now, slowly, slowly I’m getting back. Thank God, it’s getting back to normal,” sey pa niya.

Dahil okey na ulit ang boses niya, balik-concert series na ulit si Regine. May show siya sa The Theater ng Solaire titled Regine At The Theater at gaganapin ito on Nov 6, 7, 20 and 21, (8 p.m).

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleElizabeth Ramsey, pumanaw na sa edad na 83
Next articleAlden Richards, pahinga muna sa kalyeserye

No posts to display