Hindi na napigilan ni Regine Velasquez na buweltahan ang mga fans ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Ito ay para ipagtanggol ng singer-actress ang kanyang sarili sa ginawang pagkuyog sa kanya ng mga tagasuporta ng nasabing mayor nang mag-post siya sa kanyang Instagram noong April 17 ng qoute na “Rape is not a joke.” na nilagyan pa niya ng caption na ““Kelan pa po ba naging joke ito? In my mind and in my heart, we should be sensitive about joking about this issue because many have suffered because of rape. It is a serious issue. Not a joking matter. #respetolangpo”
Ang opinion na ito ng Songbird ay bunsod ng viral video ni Duterte tungkol sa pagkaka-rape at pagpatay sa isang babaeng Australian missionary, kung sinabi ni Duterte na dapat ‘ang mayor (siya) ang nauna’.
Sagot ni Regine Velasquez sa napakaraming hate comments at bash na inabot niya, “Let me get this right, for you guys are mad at me for saying RAPE IS NOT A JOKE???!!!! You can vote for who you want to vote for.
“This is my opinion!!!!This is my IG!!!! I’m not trying to convince you to vote for who I’m voting for.
“May Karapatan akong magbigay ng opinion ko bilang mamamayan ng bansang ito.
“I have nothing against Mr. Duterte I am sure he is a great leader. And yes I saw the whole video.
“Again para sa isang babae na tulad ko na may nanay mga kapatid na babae hindi dapat gawing biro ang rape. And yes that includes comedians or tv shows na akala nila nakakatawa gawing joke ang rape.
“If you think in your heart that what I posted was wrong go ahead and unfollow me. God bless po.”
By Parazzi Boy