HINDI NAGUSTUHAN ni Regine Velasquez ang naging poster movie nila ni Aga Muhlach kaya nag-request ito na baguhin ang poster-tarpaulin ng lalabas nilang pelikula na Of All The Things under Viva Films.
Nakita kasi at hindi nagustuhan ng Songbird na hindi nakadugtong sa buo niyang pangalan ang apelyido ng kanyang mister na si Ogie Alcasid.
Gusto ni Regine na sa lahat ng project na gagawin ay itatawag o isusulat ang pangalan niya na Regine Velasquez-Alcasid. Paliwanag ng Songbird, dapat lang daw na i-acknowledge niya ang apelyido ng mister dahil mag-asawa na sila.
Isa pa raw ay cute daw sa pandinig niya na may dalawa siyang apelyido dahil para raw siyang Hollywood star. Mahal na mahal din ni Regine ang kanyang mister kaya naman kahit saan siya magpunta, gusto niya bitbit ang apelyido ng mister.
Samantala, sa September 22 na ang alis papuntang Singapore nina Regine, Ogie at ng baby nila na si Nate para sa post birthday celebration ng singer-songwriter. Makakasama rin nila ang dalawa pang anak ni Ogie sa ex-wife na si Michelle Van Eimeren.
Ngayon pa lang ay excited na si Regine sa bakasyon nila dahil first ng baby nila ni Ogie na lalabas ng bansa. Nag-worry lang ang Songbird noong Linggo dahil may sakit ang baby nila. Kaya hindi nito mabitiwan ang hawak na cellphone habang umaakyat ng stage para tanggapin nila ni Ogie ang Icon Award sa 4th PMPC Star Awards for Music dahil mino-monitor niya ang kalagayan ng anak. Hindi naman daw malala ang sakit ni Nate.
Kaya naman matapos na matanggap nila ni Ogie ang award ay kaagad na umalis ng Meralco Theater, kung saan ginanap ang Gabi ng Parangal ng 4th PMPC Star Award for Music para makauwi kaagad sa kanilang baby.
NAPAKAGANDA NG hangarin ni Janette B. Ito na isang songwriter/composer/ record producer/ publisher na mabigyan ng katuparan ng mga kababayan na-ting mahilig kumanta na maging recording star sa pamamagitan ng Platinum Singing Star na ginaganap every Sunday sa Isetann Recto Mall.
Ang gagawin lang ng mga gustong maging contestant sa nasabing singing contest ay magsadya lang sa opisina ni Ms. Janette Ito sa i&i studio office, Lot 42, Block 86 cor. Daffodil and Florville Streets, Barangay Rizal, Makati City para mag-fill-up ng application at prente kasama na kayo sa singing contest na sinabi ni Ms. Janette ay mala-American Idol ang tema ng contest dahil sa dami ng magiging premyo ng mananalo.
Ipinagdiinan din ni Ms. Janette na walang babayaran ang mga gustong sumali sa singing contest at kapag may nagsabi na may bayad daw ang pag-fill-up ng application ay sabihin kaagad sa kanila para mabigyan ng kaukulang parusa ang mga gagawa nito.
Open sa lahat ang singing contest, basta kung sa tingin mo ay may kakayahan kang maging sikat na singer ay huwag nang magdalawang isip, sumali na kaagad sa Platinum Showdown Singing Contest na ang mga mananalo every week ay maglalaban-laban sa final na gaganapin sa Dec. 17 sa nasabi ring venue.
Samantalang kasama ni Ms Janette ang kanyang alagang Pure Japanese OPM sensation recording artist/host/ commercial model sa bansa na si Aisaku.
Marunong magsalita at makaintindi ng salitang Pinoy si Aisaku dahil matagal na raw siyang nagbabalik-balik ng ‘Pinas at dahil sa magandang pag-uugali ng mga Pinoy kaya naengganyo siyang dito na manirahan at ipagpatuloy ang kanyang singing career.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo