MALAKING TULONG talaga ang “Gabay Guro” program ng foundation ng businessman Manny V. Pangilinan sa Pilipinas, lalo na du’n sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda. Walang halong pulitika, basta kung ano ang makakayang gawin ng foundation ay itinutulong nila sa mga nangangailangan.
Tulad na lang ng ginagawa ng “Gabay Guro” na tinutulungan ang mga guro at estudyante sa buong ‘Pinas, nagtatayo ng schools, nagdo-donate ng calssrooms sa mga nasalanta ng kalamidad.
At dahil napabilib sa objective ng “Gabay Guro”, isa sa mga pro bono supporter at endorser nito si Regine Velasquez na nagregalo pa ng awiting “Believing In Me” na tribute song niya sa mga guro.
Hindi isang guro si Regine. Actually, high school graduate lamang siya ng Balagtas High School sa Bulacan, pero hindi naging hadlang ang pagkaudlot ng kanyang edukasyon para hindi matupad ang kanyang pangarap na makilala at sumikat.
“‘Yun lang napag-aral ko at napagtapos ko ang mga kapatid ko, happy na ‘ko.”
Sobrang love ni Regine ang mga teachers, dahil ang mga teachers niya ang nagtulak sa kanyang sumali sa mga pakontes, lalo na sa singing contest.
Ang misis ni Bacoor City Mayor Strike Revilla na si Chaye Cabal Revilla (2013 Outstanding Young Men [TOYM] awardee) ang siyang Chairman ng Gabay Guro at masayang ibinalita ni Ms. Chaye na, “On going works being undertaken in the provinces. Gabay Guro donated several classrooms in the earthquake-ravaged Bohol last December in the towns of Loay, Cortes and Tagbilaran.”
Nag-offer din ng mini tribute concert ang Gabay Guro sa mga may 5,000 teachers doon. Ang grupo ng Gabay Guro ay tutungo rin sa Leyte to duplicate the efforts for the teachers and their families na na-survive ang typhoon Yolanda.
“A total of eight classrooms will be donated in Tacloban City and Palo, Leyte. They are spreading help one province at a time, hoping to give hope and change their lives,” sabi pa ni Chairman Chaye na isa ring volunteer.
Ang Gabay Guro ay programa ng PLDT-Smart Foundation na pinatatakbo ng volunteers composed of executives from PLDT Manager’s Club, Inc.
“Mr. MVP has given me instructions to speed up the building and rehabilitation of classrooms so they can move to the next province and share the blessings to more of our kababayans.”
Juice ko, buti pa ang private sector. Ambilis kumilos. Ang gobyerno natin, ambagal na, punum-puno pa ng korapsyon.
Aktres na nahuli sa droga, nakipag-one night stand sa colonel para ‘di lumabas ang balita
BLIND ITEM: Nalungkot naman kami sa kwentong nakarating sa amin. Matagal na ‘to. 2 years ago pa ang kuwentong ito. Nu’ng nahuli sa isang buy-bust operation ang isang aktres. Nahulihan ito ng droga.
Pero nabalitaan ba natin ito? Hindi po. News blackout ang nangyari.
Buti hindi ito kumalat?
“Eh, pa’no kasi, Ogie, ang nangyari. ‘Yung isang colonel na nangasiwa ng buy-bust eh, kinausap siya (si aktres). Na walang lalabas basta makikipag-one-night stand siya rito. Ipina-realize din daw ni colonel na ‘pag hindi siya bumigay eh, tiyak na sira agad ang kanyang career dahil matibay ang mga ebidensiyang hawak nila.
“Kaya ayun, alam na. Nailugso na ang puri ni Aktres. And tulad ng ipinangako, wala ngang lumabas.”
Moral of the story, ‘wag nang mag-drugs, dahil baka ‘pag nabuking-buking ka, eh juice ko po, ang choice mo lang diyan lalo na’t maganda ka eh, “pera o puri”?
‘Wag n’yo nang alamin kung sino ito. Dahil ayaw ng fans ng ganyan.
Oh My G!
by Ogie Diaz