0912585xxxx – Sir, irereklamo ko lang po ang police station sa Trece Martires, Cavite dahil nani-ningil po ng ninety pesos para sa police clearance samantalang nagbayad na kami sa treasurer ng fifty pesos. Nang humihingi kami ng resibo ay ayaw naman po kaming bigyan.
0915950xxxx – Sir, kahapon noong isang araw po kasi ay kumuha ako ng police clearance sa Talaba Bacoor, Cavite police station, ang binayaran ko po ay P145.00 pero ang nakalagay lamang po sa resibo ay P10.00 lang. Hindi po ba dapat kung magkano ang binayaran namin ay iyon din ang nakalagay sa resibo? Sana po ay mabigyan ninyo ng kasagutan ang aming katanu-ngan. Maraming salamat po.
0920325xxxx – Sir Raffy, pakiimbestigahan naman po iyong problema sa aming barangay tungkol sa mga taong naghahari-harian dito na angkan ng mga pulis. Ilang buwan na po ang nakaraan ay nakapatay po ang anak ng isang pulis. Sa kasamaang palad po ay hanggang ngayon ay pagala-gala pa rin dito sa aming lugar na parang walang nangyari ang suspek dahil sa pananakot nila sa mga testigo.
0919340xxxx – Idol, irereklamo ko lang po ang kapitbahay namin na sa tuwing malalasing ay nagpapaputok ng baril. Delikado po para sa amin at sa mga bata ang ginagawa niya. Marami na ang nagreklamo sa barangay ngunit wala naman pong aksyon na ginagawa. Sana po ay matulungan ninyo kami. Salamat po.
0917505xxxx – Sir, pakitawag naman po ang pansin ng mga kinauukulan sa MMDA o DPOS dito sa kanto ng Santolan at Horseshoe na kung maaari po ay magtalaga sila ng enforcer dahil magulo kasi parati ang traffic sa umaga at hapon lalo na kung labasan ng mga estudyante ng Xavier. Salamat po.
0923717xxxx – Sir Raffy, isa po akong driver ng truck mixer, itatanong ko lang po kung ano ang dapat gawin kasi kinumpiska po ang aking driver’s license ng isang pulis na walang dalang paniket. Umalis po siya at makalipas po ang halos isang oras ay saka po bumalik ang pulis na dala na ang paniket at saka po ako tiniketan. Tama po ba ang ginawa ng pulis? Ano po ba ang dapat kong gawin? Salamat po.
0908146xxxx – Nais ko lang pong idulog sa inyo ang problema tungkol sa aming barangay dahil sa kawalan ng mga barangay tanod na naka-assign dito sa aming lugar. Mayroon po kaming barangay hall dito pero walang tao, wala man lang pong matawagan dito kung may gulo. Sana po ay maaksyunan ninyo ito, maraming salamat po.
Ang WANTED SA RADYO (WSR) ay mapapakinggan sa 92.3 FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ang WSR ay kasabay na mapapanood sa Aksyon TV sa Channel 41.
Para sa inyong mga sumbong at reklamo, maaari kayong mag-text sa 0917-7-WANTED o 0908-87-TULFO. Mamayang gabi, panoorin ang isa na namang bakbakang episode ng WANTED sa TV5 pagkatapos ng Aksyon Journalismo (late night news).
Shooting Range
Raffy Tulfo