A RELATIONSHIP gone sour, if not bitter.
Ito ang malungkot na kinahinatnan ng tatlong taon ding pagsasama nina Aiko Melendez at Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses. Reportedly, the two called it quits on February 14 this year, isang mahalagang araw kung kailan ipinagdiriwang ng mga romantic couples ang Araw ng mga Puso.
This article makes an attempt to timeline the events that followed after their breakup, the reason for which was not made known to the public.
April 28, more than two months after their separation ay sinampahan ni Mayor Patrick ng kasong libel si Aiko sa Malolos Provincial Prosecutor’s Office based on an alleged exchange of private messages deemed malicious between his ex-girlfriend and the latter’s friend.
Isa sa mga umano’y mapanirang nilalaman niyon ay ang pagkakaroon ng umano’y kuwestiyonableng kasarian ng naturang alkalde. Meneses, for his part, had to resort to legal means saying, and we quote: “I need to stand and protect ‘yung mga tao rin naman who are behind me. Patrick Meneses is a mayor, Ama ng Bayan,” unquote.
Inamin ni Patrick na labis niyang ikinagulat ang turn of events, one that came unexpectedly considering na tatlong taon din ang kanilang pinagsamahan ni Aiko. He added, and again, we quote: “Siyempre, kahit naman any relationship, nakapanghihinayang ‘yung paghihiwalay, ‘di ba? Too bad, hindi umabot sa altar,” unquote.
Bagama’t tikom ang bibig ni Aiko ay idinaan niya sa Twitter ang pagdepensa sa kanyang sarili, and we quote: “When I’m at fault will admit it. But when I know that I did nothing, will fight this till the end with dignity… kung ano man ‘yang lumalabas na sira-sira, hindi ko personality kasing manira. Mabuti na sigurong manatili akong tahimik,” unquote.
Her silence though did not mean admission of guilt base sa paratang ng kanyang dating kasintahan. On April 28, Aiko further tweeted, and we quote: “May mga pagkakataon sa buhay ng tao na pinipili mong manahimik. Pero ang katahimikin ay ‘di nangangahulugan na inaako ko ang ibinibintang sa akin,” unquote.
Bukod kay Patrick, nagsampa rin ng kaso si Pandi Mayor Enrico Roque laban kay Aiko at sa tatlo pang katao, two of whom are showbiz reporters. Inilarawan umano kasi ng kampo ng aktres na karelasyon umano ni Meneses ang kapwa punong-bayan.
Dahil nadamay na raw pati ang kanilang kabaro sa kontrobersiyang dapat ay sangkot lang ang dating magnobyo, pinangunahan ng Kalihim ng 21-member League of Municipalities of the Philippines – Bulacan Chapter ang paghahain at pag-apruba ng nilagdaang Resolution No. 03-2011 bilang suporta kina Meneses at Roque.
Hinihiling din ng naturang panukala na ideklarang persona non grata ang mga taong nasa likod ng mapanirang hakbang laban sa dalawang kasaping alkalde ng naturang liga. Ngunit kaagad na dinisaprubahan ito ni Bulacan Vice Governor Daniel Fernando, hence, the resolution did not see its implementation.
May 30, more than a month since she was charged with libel ay naghain si Aiko ng kanyang counter affidavit sa Malolos Fiscal’s Office. Bago ang kanyang pagdating sa nasabing bayan ay abut-abot daw ang pag-aalinlangan ni Aiko dahil na rin sa resolusyong naglalayong gawin siyang persona non grata.
Ngunit taliwas sa kanyang agam-agam, “Hindi po ako binato ng itlog. Binato po nila ako ng pagmamahal nila.” Sa katunayan pa nga raw, hindi naramdaman ni Aiko ang umano’y iginawad na parusa sa kanya ng liga dahil nakapag-taping pa raw siya sa isang bayan sa Bulacan sa kasagsagan ng usapin. “Yes, in San Miguel,” sabay ng taos-pusong pasasalamat sa alkalde nitong si Eric Tiongson.
Kasabay nito, kinatigan din ng isang korte sa Quezon City ang kahilingan ni Aiko na bigyan siya ng Temporary Protection Order o TPO, na nagbabawal na makipag-ugnayan, dumalaw at lumapit si Patrick sa kanya.
Nanindigan naman ang aktres na haharapin niya ang akusasyon ng dating nobyo, and we quote: “I will end this not only to satisfy my family and my supporters but I will end this with dignity,” unquote.
June 13. Nagsumite ng reply ang kampo ni Mayor Patrick through his legal counsel Atty. Lorna Kapunan sa inihaing counter affidavit ni Aiko sa kasong libelo sa Malolos Fiscal’s Office.
June 15. Nakunan ng programang Startalk TX ang kauna-unahang pagkikita nina Aiko at Mayor Patrick sa pagdinig ng TPO na hiniling ng aktres sa Branch 107 ng Quezon City Regional Trial Court. Bagama’t hindi pinahintulutan ang programa sa mismong sala ni Judge Jose Bautista ay tumagal din nang halos dalawang oras ang hearing.
Kasamang sumipot ni Patrick ang kanyang inang si Mrs. Precy Meneses, “Naging part din naman siya (Aiko) ng family namin. Babatiin ko sana kaso hindi naman siya tumitingin sa akin. Okey lang, wala namang problema.”
Bagama’t tikom ang bibig ng dating magnobyo alinsunod sa ipinatupad na gag order ng korte ay umaasa si Mayor Patrick na magkakaroon ng agarang resolusyon ang kaso, “Pagkatapos ng lahat ng ito, bibigyan ko kayo ng interview. Magpapa-presscon pa ako.”
Lampas limang buwan na buhat nang huling naidokumento ang masalimuot na court battle na ito sa pagitan nina Aiko at Mayor Patrick. The fact that the Bulacan town mayor has not called for a presscon only means that the case is still pending in court.
Samantala, makaraang isantabi ang kanyang trabaho sa showbiz to prioritize her vice mayoral bid in Quezon City, Aiko is back in harness, doing again what she loves the most, ang pag-arte.
Showbiz has seen countless separations and break-ups. Nakalulungkot lang that in Aiko and Patrick’s case, it began in courtship that ended in court.
Realidad din lang ito na hindi tulad ng isang fairy tale, most couples do not live happily ever after.
But there’s a beacon of hope for ex-lovers to remain friends. And this is what we sincerely wish for both Aiko and Patrick.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III