SOBRANG IN love sa isa’t isa sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Open to the public na ngayon ang kanilang relasyon dahil may approval na sila kay Papa Robin Padilla. Hinayaan na nitong maging masaya ang dalaga niyang anak sa piling ng binata.
Nasa tamang edad na naman si Kylie para makipag-relasyon. Suwerte nga ni Aljur dahil siya ang first love at serious relationship ng actress. Ang hunk actor lang ang nagkalakas ng loob na ligawan ito.
Pinatunayan ni Aljur kay Robin na totoong mahal niya si Kylie kaya’t ibinigay ng action superstar ang blessing nito sa kanila. Malaki rin ang naging bahagi ni Mariel Rodriguez sa pag-iibigan ng dalawa. Mismong ang TV host/ actress ang nagkumbinsi kay Robin na bigyang laya na ang dalagang anak pumili nang lalaki mahal niya.
Ang balita namin, pinaghahandaan na raw ni Aljur ang paglagay sa tahimik nila ni Kylie kahit hindi pa nila napag-uusapan ang tungkol dito. Gusto lang daw ng actor na maging maayos ang lahat. Hindi pa sa ngayon, 2 to 3 years bago sila mag-planong magpakasal. Hindi sila nagmamadali, kailangang maging handa si Aljur para sa magandang kinabukasan nilang dalawa.
ROMANTIC GAY comedy film ang indie na LabYou ng Entertainment Production.
Sabi nga ni Direk Jill Singson Urdaneta, “Ang film na ito ang wawasak ng buhay nyo sa kakatawa at bubuo sa pangarap na ma-in love. Straight ka man, beki, tomboy o tambay ka man. Girl, pa-girl, pogay o posit, tiyak na solve ka rito sa pelikula namin.”
The film revolves around two characters namely Gerry (Albert Goza) and Paolo (Miko Pasamonte), where they will have a practice relationship. Two complete strangers each one is on his quest in finding the perfect one. Magkakaroon sila ng relationship with no emotional attachments.
Siyempre, may love scene sina Albert at Miko. Very passionate daw ang pagtatalik ng dalawa, ayon kay Direk Urdaneta. 90 percent of the film is based on true story. Kahit mga baguhan ang kanyang mga artista, nakaaarte naman daw ang mga ito kaya’t madali nilang natapos ang pelikula.
Sabi nga ni Direk Urdaneta, “LabYu is unique that it shows different dimensions of Pinoy gayness. It’s very personal since each character is me at one point in my life. We want to show something campy, something cool, something endearing. And definitely a film with both heart and soul. This is a story of never ending search for the perfect one and doing crazy stupid things all for the sake of love.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield