SAYANG NAMAN ‘yong relasyon nina Angel Locsin at Phil Younghusband pati yong kina Luis Manzano at Jennylyn Mercado.
Kung kalian mo inaasahan na match in heaven and will be married soon on earth ang magka-kapartner, saka naman nagkahiwalay sila sa kanilang mga “loves”.
Si Angel at Phil, walang kaabug-abog at tahimik sa mundo nila ay biglang magkarelasyon, split na ayon sa usap-usapan sa showbiz pero walang kumpirmasyon mula sa dalawa.
Maging ang manager ng aktres na si Manay Ethel Ramos, hindi alam na nag-ending na ang relasyon ng alaga niya na para sa amin, ang pakikipag-relasyon ni Angel kay Phil ay isang inspirasyon sa aktres.
Ang business manager ni Phil, deadma sa mga personal na diskarte ng manlalaro at tipong wala itong pakialam sa alaga kung sakaling may katotohanan ang break-up, na kung sakaling maapektuhan emotionally si Phil, baka makaapekto ito sa laro niya at ibang trabaho.
Sina Luis at Jenylyn sa kabila ng kaliwa’t kanang tsismis na may third party involved (si Dennis Trillo) walang statement na inilabas ang dalawa.
I am sure hinayang na hinayang si Gov. Vilma Santos sa pangarap na magka-apo na sana very soon sa panganay na anak pero waley at nausyami.
‘Yong kina Derek Ramsey at Cristine Reyes, nag-on man at nag- split man sila agad-agad; wala ‘yun. Hindi siniseryoso. Ang tawag sa showbiz ng gayong relasyon ay “Relasyong Kati” as in RK! Hahaha!
TONIGHT GAGANAPIN ang Sagip Bohol, isang fund raising show na organized ng mga true-blue Boholanons tulad ng aktor na si Cesar Montano at musikero na si Noel Cabagon na gagawin sa Teatrino sa Greenhills sa San Juan at 8:00PM.
Ang daming musikero at celebrities ang sasali na nag-offer ng kanilang talent for free para sa mga naging biktima ng lindol. Ang halaga ng ticket na P1,000 ay malaki ang maitutulong sa mga biktima ng kalamidad.
Kabilang sa mga performers sina Giselle Sanchez, Luke Mejares and Sabado Boys, Leo Valdez, Marco Sison, Al Tantay, Anthony Castelo, Diego Loyzaga ( Cesar’s son), Zoo Band, True Faith, Aiza Seguerra, Heber Bartolome, Lolita Carbon, Ely Buendia, Nyoy Volante, Jonathan Badon, Dingdong Avanzado with wife Jessa Zaragoza, Jimmy Bondoc, Paolo Santos, Dulce, Tres Marias – Lolita Carbon, Bayang Barrios, Cookie Chua at marami pang iba.
Tickets at the gate before showtime. Para sa donations at pledges, please contact Marivic Pancho of Panaghoy Children Foundation, Inc. at 0928-2397523.
AS ALWAYS, aminado kami na fan kami ni Ruffa Gutierrez sa pagiging “super natural” niya kapag nagre-react siya. What you see is what you get from her.
Instant reaksyon na maganda man o showbiz eklat lang, straight forward siya sa kanyang mga My Gosh, OMG at Kaloka one liner statements na kapag pinapanood namin siya, laugh trip kami.
Last Wednesday, for two consecutive days sa It’s Showtime, between her ganda at sa beauty ng kasamahang hurado na si Ai-Ai delas Alas, mas pinipili ng mga lesbian contestants ng That’s My Tomboy segment ang beauty ng komedyante at talbog as always si Rufing.
Imagine, ang beauty ni Ruffa walang laban sa ganda-gandahang si Ms. Ai-Ai.
Reyted K
By RK VillaCorta