SA TAKBO nang relationship nina Zanjoe Marudo at Bea Alonzo, masasabi nating almost perfect na nga sila together. Magkasundo halos sila sa lahat ng bagay. May respeto at tiwala sa isa’t isa. Ano pa kaya ang kulang sa kanilang relasyon para sila magkatuluyan?
“Siguro masyado pang maaga para sa aming dalawa na pag-usapan ang bagay na ‘yan. Masyado pang maaga para sa kanya na tumalon sa ganu’ng sitwasyon na mag-settle-down. Kasi, una bata pa si Bea at saka marami pa kaming gustong gawin. Marami pa akong gustong gawin, ganu’n din siya,” say ng actor.
Sa ngayon, ini-enjoy nina Zanjoe at Bea ang isa’t isa. Hindi pa raw nila napag-uusapan ang tungkol sa paglagay sa tahimik.
“Hindi pa ako umaabot sa ganu’n, ganu’n din siya. Siguro bago pa lang kami, magti-three years. So, masyado pang maaga para pag-isipan ‘yung ganu’ng bagay na para mag-prepare, ‘di ba? Kapag minadali mo ‘yan, sayang naman. Gagawin namin ang ganu’ng bagay kung nasa tamang posisyon na kami,” aniya.
Ayon kay Zanjoe, ayaw niyang nagpa-plano pagdating sa pagaasawa baka raw at the end hindi sila ang magkatuluyan. Kailangan raw financial secure na siya bago siya mag-asawa pero hindi pa din niya masasabi. “ “Baka ilang years okay na. kungbaga, mahirap basahin ang future, mahirap mangarap.”
Mas lalong nagiipon ngayon si Zanjoe para sa future nila ni Bea kung sakaling sila na nga ang magkakatuluyan. “Oo naman, pino-program ko naman, ipon talaga. Nagiipon talaga dahil hindi na naman tayo bumabata. Mas tumatagal, nadadagdagan ka ng edad lumalaki ang responsibilidad mo sa buhay. Hindi lang para sa sarili mo, pamilya mo pati na rin sa taong mahal mo kasi part na siya ngayon nang buhay mo.”
Hindi sinusukat ni Zanjoe kung gaano niya kamahal si Bea. Ang importante nararamdam nila ang magmamahal nang bawat isa. “Siguro ang masasabi ko lang, parang tama kami sa isa’t isa. Gusto namin ang isa’t isa, feeling ko perfect kami dahil nagiging successful ang buhay namin pareho, nand’yan kaming dalawa.”
Say nga ni Zanjoe, “Kailangang mas mahal ka niya kaysa mas mahal mo siya. Naiintindihan kasi namin ang isa’t isa. Wala akong gustong baguhin sa kanya. Wala siyang gustong baguhin sa akin. “
At this point of their relationship, nakapag-adjust na sila pareho. Paliwanag ni Zanjoe, “Siyempre, hindi ganu’n kadali. Kinikilala mo ‘yung tao. Sa ngayon, nakapag-adjust na kami, nakikilala na namin ang isa’t isa. Wala naman akong ikakagulat na mayroon siyang ugaling ganito, ako naman, ganu’n din.”
Binigyang-linaw ni Zanjoe na hindi siya ang bread winner sa family. May kanya-kanyang trabaho ang mga kapatid ng actor. Tumutulong siya pero hindi niya obligadong sustentuhan ang pamilya. Nakabili na nga siya ng lupa para sa mga ito. Kailangan pa niyang mag-ipon para sa pagpapatayo ng bahay. Nalamin din namin kay Zanjoe na marami palang property na nabili na si Bea, hindi nga lang pinagmamakaingay ng actress.
If ever na sina Zanjoe at Bea na nga ang magkatuluyan, willing ba ang actor na tumira sa bahay ng magiging asawa niya? “Hindi magandang tignan ‘yun para sa lalaki. Kung mag-aasawa na ako, hahanap kayo ng isang lugar para sa inyong dalawa.”
Nang dahil sa success ng first solo film ni Zanjoe na Bromance, may bagong pelikula siyang gagawin under Skylight Films. “Comedy film ang susunod kong movie with Pokwang. May pagka-romance comedy pero mas lamang ang comedy. May romance talaga, serious. Sa love story, kailangan nakakatawa. Masaya ‘yung love scene namin ni Pokwang. ‘Yun muna ang plano nila, puro comedy film muna ang gagawin. Kung komportable ako sa isang role, ‘yun ang ginagawa ko. Tinatanggap ko dahil kaya ko. Marami rin akong hindi kayang gawin.”
Sabi ni Zanjoe, hindi pa siya ready ngayon to do sexy film dahil nangayayat siya. Kailangan magbalik-gym uli ang binata para manumbalik uli ang pagiging hunk actor niya sa paningin ng kanyang mga fans at sa paningin ni Pokwang na pagnanasahan siya. “Ang katawan ko pumayat dahil hindi ako nag-i-exercise, hinayaan ko lang siya. Hindi ko kailangang magpa-macho sa “Annaliza” dahil ang role ko rito ay isang tatay.”
Marami rin palang movie project na tinanggihan si Zanjoe. Katuwiran niya, “Kapag hindi ko kaya, du’n lang ako tumatanggi. May mga offer na hindi bagay sa akin ‘yung project… mga pelikula.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield