Renz Fernandez: The boy of Daboy

NAGKITA KAMI NI Renz Fernandez ng nakaraang Cinemalaya. Siya ang supling ng yumaong well-known action star na si Rudy Fernandez at ng award-winning actress na si Lorna Tolentino. Ngayon ay sinusundan ni Renz ang yapak na ito upang makamit din niya ang kinang ng showbiz.

Sa bagay, saan nga ba naman tutungo ang bungang ito kundi ang sundan ang puno. Kaya nga nang makausap natin ang Philosophy graduate ng UP na si Renz, buong husay niyang sinasagot ang aking mga tanong. Pero, may nasagap na balita itong si Dodieng Daga na kung sino ang crush ng young actor ito na nasa bakuran din ng ABS-CBN.

Umpisahan na natin ang tsika, Dong. Sino’ng ka-partner mo ngayon? “Wala pa nga po eh.”

Sa itsura mong ‘yan, wala pa? “Eh, depende sa network!”

Sabay bumulong si Dodieng Daga, ‘bos-sing may gusto ‘yan kay Kim Chiu.  Hweek,hik, ikkk!’ Baka mamaya mali ‘yang info mo Dodie, lagot ka mamaya sa akin.

Ang mommy ni Renz na si LT ay ‘in’ pa rin at hindi pa rin nawawala sa TV at pelikula. Ano naman ang plano ni Renz, i-maintain ang pa-ngalan nila o malampasan pa ‘yun? “Ah, ‘yang tanong na ‘yan, mahirap masagot, eh. Basta ako, ang nasa isip ko lang, gumawa nang gumawa, magtrabaho nang magtrabaho. ‘Yung craft ko. Tapos ‘yung maging totoo sa character, ‘yun lang.”

Ano ang gusto mong sundan, sa drama o sa action? “Ah, ‘yung sa kanilang dalawa po. Pero ‘yung sa akin po parang action, eh. ‘Pag action kasi, parang kasama na ‘dun lahat eh, kaila-ngang marunong ka ring mag-drama.”

Na-impress tuloy si Dodie sa sagot ni Renz. Dodie! ‘Wag kang maingay at akong bahala sa diskarte. Ang dad naman ni Renz na si Rudy ay talaga namang matindi ‘nung panahon n’ya, ano ang posibleng namana nito sa ama? “Namana ko sa kanya ‘yung ano… ‘yung galaw ko, ‘yung boxing. Tinuruan niya akong mag-boxing.”

‘Yung mata? Sumabat na naman si Dodie, ‘bossing, bakit ang layo naman yata ng tanong mo? Hik, hiik…’ ‘Wag kang maingay d’yan! Diskarte ko ‘to.

Kung actions films, kung bibigyan ng chance si Renz, ok lang kaya sa kanya? “Ay opo, okey lang sa ‘kin.”

Sa ngayon, siya at ang dalawa niyang kapatid na sina Mark Anthony at Raph ay nasa showbiz na. Ano naman ang komento ng mommy niya ngayong gusto niyang sundan ang yapak ng dad niya? “Ang komento ni Mama, mag-training, magtrabaho. Gawin lahat ng dapat gawin para maging totoo sa trabaho at maka-deliver nang maayos.”

Pero ngayon sa ABS-CBN, sino ang ka-partner mo? “Wala po, eh. Ah, parang kung sinu-sinong gusto nila, ‘yun ang mamahalin ko.”

Gusto ba niya si Kim Chiu. “Eh, kung anong ibigay nila sa akin, sila ang bahala.” ‘Kita mo bossing, kinikilig! Hikk, hiiik.’

Inakbayan ko nga sabay bulong kung, ‘kanino ka nai-in love? “Marami! Hahahahah!”

Joker din pala itong si Renz. Sa bagay, ‘pag solo siya, mas okey at hindi siya lugi. Kasi ‘pag kumuha siya ng ka-loveteam, doon lang siya naka-stick. Pero kapag solo, ma-involve man nang kaunti, mamaya, lipat ka sa isa.

‘Bossing, may katwiran ka. Mana ka sa akin, hik… hiik.’ Bakit artista ka ba huh, Dodie?

Ano ang next project mo? “Wala pa po akong next project, eh. Iniisip pa ‘yung concept.”

Sinong manager mo? “Ah, Star Magic.”

At bilang isang Philosophy graduate, ito naman ang pananaw niya: “Ah, ‘yun ang kaila-ngan eh, truth seeker ka kung philosopher ka.”

May non-showbiz girlfriend ka ba? “Ah, wala po. Ang girlfriend ko po ‘yung showbiz.”

Pero balita ko gusto mo raw si Kim Chiu? “Ah, gusto ko si Kim Chiu kasi maganda talaga, eh.”

Oh, sige… ilalagay ko sa write-up ko sa ‘yo na crush mo si Kim. “’Wag na po,” sabay nag-blush si Renz.

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, call tel. no. (02) 3829838; cel. no. 09301457621; e-mail: [email protected], [email protected] or visit www.pinoyparazzi.net 

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

Previous articleBanggaan!
Next articleMga primera kontra-bida, nagtaray!

No posts to display