GANOON NA ba talaga kataas ang tingin ng mga nakapaligid kay Jessica Sanchez na kahit ini-interview ang mga kamag-anak nito ay basta na lang nila hahatakin at pagbabawalan na ma-interview ng kahit na sinong reporter at TV crew ng alinman TV network.
Kahit na pumayag ang mga kamag-anak nitong si Jessica Sanchez na magpa-interview ay basta na lang pipigilan at pagbabawalan ng mother at handler daw nitong 1st runner-up sa nakaraang American Idol?
Nakausap kasi namin si Nelson Canlas, reporter ng GMA-7 sa pocket interview kina Dingdong Dantes at Lovi Poe para sa kanilang movie na Tiktik sa Makati.
Sa mesa namin napaupo si Nelson at naikuwento nga nito at pinatotohanan ang ginawang pagbabawal ng mother at handler ni Jessica na ma-interview ang grandmother nito sa presscon ng isang foodchain, kung saan si Jessica ang kinuhang endorser.
Pumayag naman daw ang grandmother ni Jessica na magpa-interview at habang ini-interview na ito ay biglang dumating daw ang mother at handler ni Jessica at pinigilan na ma-interview ang lola ng biglang sikat na Pinay nang manalo sa American Idol.
Ano raw ba ang kinatatakot ng mother at handler ni Jessica na puwedeng sabihin ng lola ni Jessica. Na isang tunay na Pinay si Jessica at ‘di talaga isang Mexican dahil ang tunay na magulang ng biglang sikat na singer ay kapwa Pinoy?
Hindi na naman dapat ikatakot ng mga handler at mother nito kung ‘yun ang pinangangambahan dahil halos lahat ng mga Pinoy ay alam na alam na ito.
Sabi naman ni Nelson, ‘di naman ‘yun ang magi-ging topic ng interview niya sa grandmother ni Jessica, kundi para tanungin kung ano ang pakiramdam nila ngayon na isang sikat na sikat na celebrtity na ang kanilang apo sa mundo.
Anyway, kahit na ano raw paliwanag pa ng mga reporter na gusto sanang ma-interview (na payag naman magpa-interview ng grandmother ni Jessica) ay talagang ayaw raw pa-interview o pinagbabawalan daw ang mga reporter na ma-interview ito.
Madalas na ganito na lang ang nangyayari sa ating local press dahil tino-tolerate natin.
Dapat siguro ay walang press o pagkaisahan ang mga ganitong klase ng mga pupunta sa ating bansa para sila matauhan.
Dahil nabastos, nag-walk-out na lang ang reporter at TV crew.
IKINAGULAT NI Dingdong Dantes na kinalolokohan nito ngayon si Isabelle Daza kaya sila nagkakalabuan daw ngayon ni Marian Rivera.
“Walang katotohanan ang naglabasang isyu about me and Isabelle. Lalong ‘di totoo na may tampuhan kami ngayon ni Marian (Rivera). Marian and me are enjoying our relationship. Kahit na kapwa kami busy, we make sure na may araw na magkasama kami kahit sandali lang,” pahayag ni Dingdong.
Samantalang super saya at proud si Dingdong sa kabuuan ng pelikula niyang Tiktik na talaga namang ginastusan para maipagmalaki kahit saan panig ng mundo ito ipalabas.
May tinanggihan na nga raw sila na bansa na nagka-interes sa kanilang movie dahil ‘di matatapos ito ng September. Pero marami pa rin ang naghahangad na sa kanilang movie.
In fact may kausap na si Dondon Monteverde, isa sa kasosyo ni Dingdong, sa Tiktik sa Malaysia, atbp pang panig ng bansa na nagka-interes na ring bilhin ang right para maipalabas ito sa kani-kanilang bansa.
Ask kung magkano na ang kabuuan nagagastos nila sa Tiktik?
Sabi ni Mr. Dondon, P75 million na ang nagastos nila sa movie at lima silang magkakasosyo na idinirek ni Erik Matti.
So, kailangan na kumita sila ng more than P200 million para mabawi nilang magkakasosyo ang inilagay nilang puhunan.
Katuwiran ni Dondon (Monteverde), talaga raw sugal ang ginawa nila pero malaki rin ang tiwala niya na makakabawi sila dahil ngayon pa lang ay may foreign producer ang nagkaka-interes sa kanlang first time movie na ginawa sa green screen na tumagal nang 18-months ang post production.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo