AIN’T NO MOUNTAIN high enough: And no valley low enough, for comedienne Candy Pangilinan, as she braved the storm that passed her life sa mga katagang “Tao po ako, hindi Igorot!” Natapos na ang isyu nang i-lift na ang pagba-ban sa kanya o sa pagiging persona non grata niya sa City of Pines.
At may mensaheng padala si Candy sa lahat ng taong nakaunawa at nagdasal para sa kanyang paglalakbay sa Baguio, hanggang sa matapos ang Linggo at Lunes na nasabi niyang pinakamahabang oras na nanatiling gising ang diwa niya:
“Thank you everyone who prayed for me, sent messages of encouragement and helped me in any way. You know who you are. I know that I cannot in any way repay the support and kindness you have shown me and my family during our trying times. But God knows who you are and pray that He may be the one to reward your goodness by grantingyour hearts desires. Again, thank you for your love!”
For Candy, ito na ang pinakamagandang birthday gift na tinanggap niya sa kanyang buhay. Hindi ba si GB Sampedro?
NO WAY (FOR) Jose’: Ayaw na ngang palakihin ni Jose Manalo ang mga isyung sinimulang ipukol sa kanyang misis ng ilang mga taong naka-deal nito sa matagal na niyang business ng pag-aalahas.
‘Yun na rin naman daw kasi ang payo sa kanya ng mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa kanilang mag-asawa.
Sa mahabang kuwentong ibinahagi sa akin ni Jose, mababasa mong may mga tao lang na talagang gusto siyang sirain pati na ang kanyang pamilya sa patuloy nilang pagkakalat ng kung anu-anong maisisira nila sa couple.
Kung tutuusin, marami sa mga alegasyong ibinato sa kanyang maybahay ang mapapatunayan nina Jose na salat sa katotohanan. Pero ang paniwala niya, may tamang proseso para sa lahat ng bagay.
Ang isang bagay na nakita naming maganda sa komedyante, ang hindi nito pagkalampag sa mga taong puwedeng makatulong sa kanya. Dahil ang problema raw, kung meron man eh, sa asawa niya at sila ang magso-solve nito.
Maraming masasamang mga bagay na diumano’y ginagawa ang nasabing grupo para guluhin ang katahimikan ni Jose at ng kanyang misis. Ipinakiusap na lang nitong huwag na namin itong i-detalye pa.
Sa ganang akin, foul ang nasabing mga pamamaraan. Ang lahat daw ay masasagot ni Jose, or for that matter ng kanyang misis sa tamang venue at sa naaayong proseso. Hindi raw ang tipo niya ang pwedeng gaguhin. Matagal na raw siyang gago (sa salitang kalye).
Wala naman daw silang dapat na ikabahala dahil alam nilang sila ang nasa matuwid. Sa gig niya sa Klownz, nakita namin kung paano pa ring patuloy na suportahan ng kanyang mga followers na rin sa Eat…Bulaga! na audience niya ang better-half ng Wang-bu (Wally Bayola) at Kal-bu (Jose) tandem. In short, walang epekto ang ginagawang pagsira kay Jose at sa kanyang beloved wife!
The Pillar
by Pilar Mateo