TO THE RESCUE: Aiza Seguerra, dinepensahan si Liza Dino laban sa mga bashers!

Liza Dino and Aiza Seguerra

DAHIL SA KAGULUHAN at kontrobersiya na likha ng pagre-resign ng tatlong members ng MMFF 2017 Execom, tila nagiging personal na ang mga banat at isa nsa mga biktima ay si FDCP Chairperson Liza Dino.

 
Sa kanyang Facebook post, ang mister nya na si NYC Chairperson Aiza Seguerra came into the rescue.
  
Ayon kay Aiza:”Malaking bagay ang pagiging pinuno. Ikaw ang nagbibigay ng direksiyon na tatahakin, namimili ng mga taong nararapat para makamit ang layunin. Bilang isang chairman ng collegial body, it is your job to steer the direction of discussions papunta sa kung ano ang vision niyo.
 
Liza Diño-Seguerra is NOT the chairperson of MMFF Execom. She may be the head of FDCP (that’s why she is part of MMFF execom) but MMFF is NOT FDCP’s program. Liza is NOT the decision maker ng MMFF. Unfortunately, isa lang siya sa mga boses sa 24 na nakaupo na may kanya-kanyang agenda. Kung ano man yung mga agenda na iyon, obvious naman na siguro.
 
“This is a big factor kaya nabalik na naman sa dati. Kung paano nakabalik ang mga dapat hindi na kasali sa execom, hindi ko alam.
 
“I know how Liza, along with sina Sir Ricky, Kara and the others, fought for finished films; na ma-retain yung vision at mas lalong pagandahin pa ito. Sleepless nights, heated discussions, luha at lahat na. Unfortunately, they were outnumbered. Unfortunately, hindi ito ang gustong direksyon ng namumuno at ng majority ng committee. Ganon kasimple.
 
The others resigned. I even told my wife to resign dahil ako na yung nasasaktan para sa kanya. Ano pang laban mo? How can you steer the bus kung ang lahat ng nakasakay ay iba ang gustong puntahan at hindi naman ikaw ang may hawak ng manibela? But despite of all these, she chose to stay para kahit papaano, kahit nag iisa, may representation pa rin ang mga artists na kagaya natin. Ma voice out pa rin ang mga gusto natin mangyari, kahit pa bingi ang kanyang mga kausap.
 
“To those people who say bad things about Liza because of this MMFF issue, who questions her integrity; I hope you know what this woman goes through every single day just to make sure filmmakers and the rest of us in this industry will have a fair chance.
 
Hindi lang sa panahon ng MMFF pero sa buong taon. Hindi lang sa Pilipinas pero sa buong mundo. It is not an easy feat, considering that we have no laws to really protect us.
 
“To those people whose saying she’s not doing her job; she’s everywhere talking to people, looking for partners, implementing new programs, giving us more platforms and looking for more things that she can bring here to benefit the people in the industry while you are in your seat, comfortably yakking on Facebook about how she’s doing such a lousy job.
 

“Say what you want but do not question her love for this art and our industry. Do not question her integrity.”

“Kung si Liza Diño-Seguerra ang namumuno ng MMFF, believe me, it will be very different from what is happening now,” pagtatapos ni NYC Chirperon Aiza sa kanyang paliwanag.
 
Sa akin, malinaw na ang isyu. Malamang sa mga mahilig sa ginisang ampalaya ay hindi!

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleDiyosa ng Kagandahan: Lovi Poe in Palawan!
Next articleBinibining Pilipinas International Mariel de Leon napiling leading lady ni Coco sa ‘Ang Panday’

No posts to display