FOUR MONTHS old pa lang ang baby ni Roxanne Guinoo, pero sabak agad ito sa bago niyang teleserye sa GMA.
Pero for Roxanne, breastfeeding is best for her newborn child, kaya pinapasuso niya ito at hindi hinahayaang bottle-feeding ang makasanayan ng baby.
In fact, kung may taping ito for the said series eh, “nagdedeposito” ito ng gatas mula sa kanyang dibdib at nilalagay sa feeding bottle ng baby niya. Kaya kahit nasa trabaho ang aktres eh, gatas mula sa ina nito ang tinatanggap ng baby.
Imagine the effort ng “pagkatas ng gatas” mula sa breasts ni Mommy Roxanne na iniipon in time for the taping hours nito for the teleserye?
Dine-deadma naman ni Roxanne ang chikang hindi sila well-supported ng asawa nito kung kaya’t kahit na 4 months old pa lang ang kanilang baby ay kinailangan na nitong mag-work.
Say ni Roxanne, ganoon niya kamahal ang industriya ng pag-arte at ayaw nga niya ring pakawalan ang offer na ito ng Kapuso Network, bagama’t nakilala siya ng publiko sa ABS-CBN noong nagsisimula pa lang ito sa kanyang career.
“I want to stay long in the industry and I’m so honored na sa akin ma-offer ang show na ito,” saad ng bagong alaga ng DMV Entertainment ni Direk Manny Valera, who also handles the careers of Jean Garcia, Zoren Legaspi, Alessandra de Rossi, Polo Ravales, Rey PJ Abellana, etc.
Consistent si Roxanne in saying na ayaw na raw niya makatrabaho ang actors na mga na-link sa kanya noon like Joross Gamboa and Jake Cuenca.
“Respeto na lang sa asawa ko,” ang katuwiran ni Roxanne. “Pero okey naman kami, lalo na si Joross. Si Jake, wala pang chance na magtagpo kami uli.”
Siyanga pala, kasama rin sa cast ng comedy-horror fantaserye sina Raymart Santiago, Gladys Reyes, Arthur Solinap, Rochelle Pangilinan, Celia Rodriguez (na first time na gaganap na multo) at ang teen tandem nina Jake Vargas at Bea Binene.
NGAYONG APRIL 24 na ang pinakahihintay na 50th anniversary in showbiz ng master showman na si German Moreno, with a fabulous show sa Resorts World Performing Arts Theater sa Pasay City.
Dahil golden year na si Kuya Germs sa industriya, wish namin for him ay siputin talaga siya ng napakaraming artistang pinasikat niya – from Germspesyal, GMA Supershow, That’s Entertainment, etc.
The list is sooooo long, at sana’y wag magkaroon ng “amnesia” ang ibang artistang naglakihan na ang mga pangalan, mas yumaman pa nang husto, pero ayaw balikan ang pinagmulan.
Good gesture din ang memorandum ng GMA management na “no taping days” sa bisperas ng petsang ‘yun at sa mismong April 24, sa lahat ng Kapuso teleseryes, bilang respeto at pagpupugay sa master showman who has maintained his loyalty to Kapuso all these years.
Nang sa ganoon ay makasipot nga naman ang Kapuso stars sa inaasahang big celebration na ito, komo nga’t 50th year na niya sa industriyang kanyang minahal, at patuloy na nagbibi-gay-saya sa televiewers kahit madaling-araw na ang weekly show niyang Walang Tulugan with the Master Showman.
Si Nora Aunor ay nagpasabi nang darating, at type nga raw sanang kumanta ni Ate Guy for Kuya Germs, pero ‘di pa nga puwede dahil sa kundisyon ng boses at lalamunan nito.
Ang pinakamalaking katanu-ngan diyan ay kung sisipot ang megastar na si Sharon Cuneta? To think na malaki ring utang na loob ni Shawie sa isang Kuya Germs, huh!
Kahit na TV5 contract star na si Sharon, karapat-dapat lang na magbigay pugay siya kay Kuya Germs, in fact ay dapat pa nga siyang maghandog ng production number, no!
Kung de-deadmahin pa rin ni Sharon ang 50th Anniversary ni Kuya Germs, doon natin malalaman kung marunong ngang tumanaw ng gratitude ang megastar.
Take a look at Gary Valenciano, nasa abroad siya sa April 24, pero may pre-taped performance siyang ihahandog for Kuya Germs.
Si Sharon kaya?
Mellow Thoughts
by Mell Navarro