RESPETO NAMAN DAW: Glaiza de Castro, umalma sa mga echoserong writers

GLAIZA DE CASTRO

MUKHANG HINDI NAGUSTUHAN ng Kapuso actress na si Glaiza de Castro ang ilan sa mga write ups na lumalabas sa iba’t ibang news outlets na iniuugnay sa kanya.

Lately kasi ay inanunsyo na ng GMA-7 na magkakaroon na ito ng bagong teleserye sa Kapuso network entitled “Contessa”. Nagpictorial at nagworkshop na ang cast members at ito ang kanyang reunion project sa dating ka-loveteam sa Grazilda na si Geoff Eigenmann at sa Dading co-star na si Gabby Eigenmann. Ito rin ang first time nilang magtambal ng Kapuso hunk na si Jak Roberto.

Imbes na sa proyektong ito magfocus ang ilang entertainment writers, mas pinili yata ng ilan na isulat at gawing headline ang opinyon ng dalaga tungkol sa love life ng kanyang close friend na nagtatrabaho sa kabilang istasyon.

Kapag nalalagay kasi sa ganitong sitwasyon ang mga artista, mag-yes man sila or mag-decline ay ipipilit pa rin na bigyan ng isyu basta lang makapagsulat.

Ito marahil ang hudyat kung kaya’t nakapagtweet ang dalaga (@glaizaredux) na hindi siya natutuwa sa mga naglabasang artikulo:

“SMH

 It’s deploring how some people ask personal questions about someone close to you just to have something to write about.

Can’t we all practice respect? That’s the least we can give this Christmas. I’m working really hard on it, and would appreciate people of the same mind who’d want to collaborate.”

CONTESSA stars Gabby Eigenmann, Glaiza de Castro, Geoff Eigenmann and Lauren Young

Siguro ay nase-stress na rin ang dalaga dahil walang connect sa bagong proyekto niya ang isinusulat sa kanya at pilit na inuungkat ang mga isyu na hindi naman na talaga isyu.

Most of all, gusto lang siguro ni Glaiza na protektahan ang pagkakaibigan nila na baka masira dahil lang sa ganitong publicity.

Previous articleWITH HAUNTED FOREST: Jane Oineza, malaki ang pasasalamat kay Mother Lily
Next article“Unexpectedly Yours” nina Sharon Cuneta at Robin Padilla, iba ang kilig na ipinadama sa manonood!

No posts to display