Rebelasyon ang galing ng rapper/hip-hop artist na si Abra sa Cinemalaya 2017’s most-awarded indie film at pinag-usapan, ang “Respeto.” Bukod sa husay sa pagiging musikero, nanggulat din siya sa galing niya sa pag-arte!
Sa “Respeto,” nagkrus ang landas nina Hendrix (Abra), isang ambisyosong hip-hop artist, at matandang poet na si Doc (Dido de la Paz), na isa palang aktibista survivor ng brutal na nakaraang Martial Law. Magkaiba man sila ng mundo at henerasyong minulatan, nabuo ang isang pagkakaibigang bihira nang mangyari sa kasalukuyang panahon!
Dahil sa ganda ng kuwento, kapuri-puring pagganap at direksyon ni Alberto Monteras mula sa Arkeo Films tumanggap ito awards gaya ng Best Picture, NETPAC (Network for the Promotion of Asian Cinema) Prize, Audience Choice. Pinalakpakan din ang performances nina Dido at Abra.
Ang Respeto ay ipinalabas sa nakaraang Cinemalaya 2017 Film Festival last August.
Bukod kay Abra, kasama niyang makipagbakbakan sa rapping si Loonie, ang MC Rappers na sina Mike Swift, Spekz Abbaddon, J Skeelz, Mike Rosa at M-Zhayt. Introducing ang female rap artist na si Luxuria.
Third movie ito ni Abra na unang lumabas sa “Boy Pick Up The Movie” at “Kubot” Aswang Chronicles” matapos umingay ang pagiging rapper niya.
Mapapanood ang “Respeto” sa Setyembre 20, isang araw bago ang pag-alala sa Martial Law, mapapanood ito sa Cine Adarna sa UP sa Setyembre 19, 7PM, bilang kick off sa komemorasyon sa 45 years na nakaraang mula nang ideklara ang Batas Militar.
Films like “Respeto” ay napapanahon ngayon lalo pa ‘t may pagtatangka ang administrasyong Duterte na magdeklara ng Martial Law sa buong bansa.
Reyted K
By RK Villacorta