TAWAG SA KANYA noong nagpasiklab siya sa pagkanta ay “Voice of Asia” na isa sa mga magagaling na singer na alaga ni Kuya Boy Abunda sa kanyang talent management company na Backroom, Inc.
Pagdating sa kantahan, kadalasan ay si Dessa (yes at wala po siyang last name) ang isinasalang at mina-market ng Backroom kapag nangangailangan ng tutoong mang-aawit sa mga shows sa probinsiya at mga corporate shows.
Hindi ka naman kasi mapapahiya na kahit palyado ang sound system ay keri niya pagtakpan ang background accompaniment sa powerful niyang boses.
Sa loob ng halos tatlong dekada (30 years) sa showbiz at sa pagkanta, wala pa rin nagbago sa boses ni Dessa.
Buo pa rin kahit bumirit ay kering-keri pa rin kumpara sa mga halos kasabayan niya (meron ngang isa na medyo palyado na ang boses pero rumarayray pa rin), na nangalawang na.
Ganun naman yata ang tunay na singer. Habang nagtatagal, lalong nahahasa ang boses.
“Madami nga ang nagtataka kung bakit kahit kumain ako ng yelo (ice), hindi naaapektuhan ang boses ko,” kuwento niya sa amin after niyang bumirit at nagpa-siklab sa audience sa concert ng alaga ni Jobert na si Kiel Alo.
Imagine, kering-keri ni Dessa with ease at walang sabit sa ipinamalas niyang mga awiting “All I Ask” ni Adele; “Superwoman” at “Forever Is Not Enough” na earlier bago siya sumampa sa entablado ay ngumunguya pa siyang ng yelo na para sa iba ay naniniwala na nakakasira sa boses nila na malamigan.
Bilang isa sa mga original biritera ng music industry ay may payo si Dessa sa mga baguhan.
“Ang payo ko, i-maintain lang nila yung pagka-biritera nila. At siyempre, alagaan nila yung boses nila. Since mga bata pa sila, mas okey yung alagaan nila nang maige para hanggang tumanda na sila, nando’n pa rin yung pagka-biritera nila,” paalala niya.
Kung sakaling may chance na makipagsabayan siya sa mga latest biritera with the likes of Jona, Angeline Quinto, Morissette Amon at Klarisse de Guzman ay kaya niya. “Lahat puwedeng sabayan. Basta trabaho, kanta, alam mo naman na love na love ko ang pagkanta.”
Ngayon na nagbabalik sa local music scene ang original “biritera” of the 80’s ay timing lang ang bagong project ni Dessa for Star Music na isang digital album na ang carrier single ay ang revival ng isang Sarah Geronimo hit na “Forever’s Not Enough” na unang kanta na nagpasikat sa Pop Princess.
Goodluck Dessa sa pagbabalik mo. Now, sino kaya ang keri makipagsabayan sa orihinal sa mga baguhan natin? I’m sure lalamunin sila ng buhay ng babaeng bakla from Cebu!
Reyted K
By RK Villacorta