NAGLIBOT MULI ako nitong Semana Santa. Napuntahan ko na rin ang tinatawag na Lolo Uweng ng simbahan sa Landayan, San Pedro at ito ay ating na-interview. At makikita natin ang ibang eksena sa pictorial ng mga nagpepenitensya.
Ang Iglesia Filipina Independiente (Philippine Independent Church) ay isang malayang simbahan, kung saan ang mga miyembro nito ay nakakalat o matatagpuan sa buong Pilipinas, sa buong Amerika, at sa Canada. Sila ay nasa bilang na humigit-kumulang sa tatlong milyon na halos umaabot sa 1% ng buong populasyon ng Pilipinas. Ito ang itinuturing na ikalawang pinakamalaking Kristiyanong simbahan sa bansa.
Para sa linggo ng Semana Santa, isang paniniwala na minsan mahirap maintindihan ng tao maliban kung hindi natin ito lubos na mauunawaan. Lalo na at ito ay tungkol sa kanilang pagiging pari at pagkakaroon ng asawa. Isa na rito, si Rev. Fr. Bayani de Jesus, isang paring Aglipayan na aking nakuhanan ng mga pahayag tungkol sa kanilang pang-ispirituwal na pananalig sa Diyos. Mabait at mahinahong magsalita si Fr. De Jesus at ako ay kanyang inilibot sa kanilang simbahan at nagpaliwanag ng maraming bagay tungkol sa kanilang pananampalataya at debosyon.
Ayon kay Fr. De Jesus, sinabi ni San Pablo kay San Mateo na dapat mag-asawa ang pari dahil kung hindi papayagan ang mga ito ay ito ay isang doktrina ng demonyo (1 Timoteo 4:1). Dugtong niya, “In fact, si Jesus Christ po ay apo ng isang pari, si San Joaquin. Si John the Baptist ay anak ng isang pari, kaya biblical po ang pag-aasawa. Walang masama po sa pag-aasawa, nire-require ito kahit ng Old Testament.”
Para sa akin, both side ay parang may katuwiran. Posibleng ‘yung kaparian, about the testament din. Siguro kaya sila walang asawa ay dahil sa malugod nilang pananampalataya. Pero, parang pakiramdam ko, p’wede silang parang monk lang na nagbabantay roon sa altar. Dahil kung lalabas sila ay posible rin silang matukso. Pero kung may asawa ka, p’wede ka nang matukso, pero parang napag-aralan mo na. Kumbaga sa isang pari, meron ka na, at ang titingnan mo na lang ay ang status mo.
Si Rev. Fr. De Jesus ay 60 years old na at naglilingkod sa Aglipayan Church sa Alabang simula noong 1985 matapos siyang mag-aral ng kolehiyo. Mayroon din silang mga pag-aaral sa teolohiya bago na-appoint at na-ordinahan bilang pari ng Aglipay. Ayon sa kanya, nag-aral din siya sa isang Moslem country bilang bahagi ng isang study grant about religion noong nasa college pa siya. Ano po ang nag-udyok sainyo sa Aglipayan?
“Ah kasi ang ama ko, ‘di ba artist ako, sabi ng tatay ko ikaw ay magpari. Kasi, my father is a Board of Trustees ng seminary kaya sinabihan niya akong magpari. Sabi niya sa akin, hindi na ako magmimisyon, accredited na ako kaagad at ako na ang magmamana ng simbahan para makapag-akit pa ng maraming tao,” dugtong pa ni Father De Jesus.
Nasaksihan ko ang pamamaraan ng pag-alala ng Semana Santa ng mga Aglipayanon. Mayroon din silang pabasa o pasyon na katulad ng sa mga Katoliko. Ang kanilang simbahan ay nakagayak ng ayon sa pag-alala sa mga huling panahon ni Hesukristo rito sa lupa. Sa katapat ng simbahan ni Fr. De Jesus sa Alabang, Muntinlupa ay ang simbahang Katoliko. Bagama’t ganon ay malusog ang relasyon ng dalawang simbahan lalo na’t sa panahon ng kamahalan.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: [email protected], cel.no. 09301457621.
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia