Review Center o Recruiter?

AKO PO ay isang registered nurse na gustung-gustong makapagtrabaho sa abroad. Dahil dito, nag-enroll ako sa review center para sa iba’t ibang kurso tulad ng IELTS. Sa rekomendasyon ng isang kaibigan, pumasok ako rito sa Etienne Review Center. Isa raw itong “Philippine-based assistance group” na tumutulong sa mga registered nurse na makapagtrabaho sa Canada at makakuha ng CRNE. Puwede po bang tulungan n’yo ako na tiyakin kung lehitimo ang review center na ito? — Mauro ng Manila

WALANG PROBLEMA kung ang review center na iyan ay nagsasagawa lang ng mga review classes para sa iba’t ibang paksa o subject. Pero iba na’ng usapan kapag “tumutulong” sila para maghanap ng trabaho para sa mga nagbabalak mag-abroad.

Sa ilalim ng ating batas, maraming anyo ang tinatawag na “recruitment”. Ang simpleng pagrerekomenda ng employer sa abroad ay itinuturing nang recruitment. Ang pagbibigay ng tip o impormasyon tungkol sa mga employer o job order ay katumbas na rin ng recruitment. Kaya nga bawal para sa mga travel agency ang mag-“assist” sa paghahanap ng mga employer dahil wala silang lisensyang mag-recruit.

Kung nais nilang mag-“assist” o mag-“refer” ng employer sa abroad, dapat ay mag-apply sila ng lisensya sa POEA para maging isang lehitimong recruitment agency sila. Naghihigpit ang batas sa bagay na ito dahil marami-rami na ring kaso na ginagamit ang review center o travel agency para makapag-recruit.

LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected].

Ayuda sa OFW
By Ome Candazo

Previous articlePinoy Parazzi Vol 5 Issue 47 March 30 – April 1, 2012 Out Now!
Next articlePusali at Bituin

No posts to display