Parazzi Chikka: Reyna na ang Prinsesa!

KINORONAHAN NA NGA bilang Reyna ang Prinsesa!

Talaga naman kasing hindi lang magaling sa pagkanta ang Pop Princess na si Sarah Geronimo. Dahil matapos ang unang pagsabak niya sa pelikula, siya lang naman ang tinanghal na Box-Office Queen sa katatapos na 40th Box Office Entertainment Awards.

Naglaban sa puwesto sina Ai-Ai delas Alas para sa pelikulang Ang Tanging Ina N’yong Lahat at Sarah para naman sa launching movie niyang A Very Special Love. Tumabo raw ng nasa P197 milyon ang pelikula ni Ai-Ai subalit ang naging factor, ang screening date nito na umabot ng January 2009. Samakatuwid, kahit mas mataas ang kinita nito kumpara sa A Very Special Love, mabibilang pa rin ang pelikula ni Ai-AI sa 2009 category at lalabas pa rin na sa taong 2008, ang pelikula nina Sarah at John Lloyd Cruz ang pumatok nang bonggang-bongga.

Pero teka, mukhang hindi naman daw yata maglilipat ng korona itong si Sarah. Bakit ‘ka n’yo?! Pinataob na rin kasi ng pangalawang pelikula n’yang You Changed My Life ang pelikula nitong si Comedy Concert Queen, ‘no!? Well, unless may bagong pelikulang magbi-break sa record ng movie niya with Lloydie, ‘di ba?! O, p’wede rin na siya mismo ang mag-break ng record na na-set niya…. Puwede!

Heto ang complete list ng mga nanalo sa 40th Box Office Entertainment Awards, na inorganisa ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation:

Box Office King: John Lloyd Cruz (A Very Special Love)

Box Office Queen: Sarah Geronimo (A Very Special Love)

Film Actor of the Year: Christopher de Leon (Magkaibigan)

Film Actress of the Year: Sharon Cuneta (Caregiver)

Prince & Princess of Philippine Movies & TV: Richard Gutierrez & KC Concepcion (For The First Time)

Male Concert Performer of the Year: Gary Valenciano (Gary Live@25)

Female Concert Performer of the Year: Sarah Geronimo (The Next One)

Male Recording Artist of the Year: Martin Nievera (Milestone)

Female Recording Artist of the Year: Sarah Geronimo (The Next One)

Most Popular Recording Group: Spongecola

Most Popular Novelty Singer: Moymoy Palaboy

Most Popular Loveteam of Movies & TV: Gerald Anderson & Kim Chiu

Most Promising Male Star of Movies & TV: Aljur Abrenica

Most Promising Female Star of Movies & TV: KC Concepcion

New Male Recording Artist of the Year (Most Promising Singer): Bugoy Drilon (Paano Na Kaya?)

New Female Recording Artist of the Year (Promising Singer): KC Concepcion (A.K.A. Cassandra)

Most Promising Performing Group: You’ve Got Male (Gian Magdangal, Jan Nieto, Harry Santos, and Bryan Termulo)

Most Popular Dance Group: EB Babes of Eat Bulaga!

Most Popular Child Actor, Movies & TV: Robert “Buboy” Villar

Most Popular Child Actress, Movies & TV: Sharlene San Pedro

Most Popular Film Producer: Star Cinema

Most Popular Film Director: Cathy Garcia-Molina (A Very Special Love)

Most Popular Screenwriter: Raz Sobida dela Torre (A Very Special Love)

Most Popular Television Program: Dyesebel (GMA -7)

Most Popular TV Director: Bb. Joyce Bernal (Dyesebel)

SPECIAL AWARDS

Bert Marcelo Award (for Comedians): Eugene Domingo

Comedy Box-Office King/s: Vic Sotto & Dolphy (Dobol Trobol)

Comedy Box-Office Queen: Ai-Ai delas Alas (Tanging Ina Nyong Lahat)

Valentine Box-Office King & Queen: Richard Gutierrez & Marian Rivera (My Best Friend’s Girlfriend)

Outstanding Global Achievement by a Filipino Artist: Arnel Pineda & Charice

Outstanding/Special Merit Award for Music (posthumous award): Francis Magalona

Parazzi Chikka
by Parazzi News Service

Previous articlePinoy Parazzi Vol. II Issue #87
Next articleSugod Shooting: TJ at Jillian ng Only You, Mag-On na!

No posts to display