“IT WAS my first time to lip sync. Actually, masaya siya for me kasi kakaibang experience siya at napasaya naman namin ang madlang people.”
That’s what Rhap Salazar’s message sa kanyang Twitter account matapos silang mag-lip sync ni Anne Curtis sa isang number.
Rhap became controversial when he tweeted months ago about performers na nagli-lip sync. Ang daming nag-react sa post niyang iyon at ang dami ring naloka.
We’ve seen Rhap sang live last Saturday sa The Champions Journey sa Teatrino, Greenhills where he and his band, Fifth Gen performed. Hataw at birit kung birit ang numbers nila, lalo na ‘yung ‘The Prayer’ na talaga namang nagmarka sa audience.
The event was a thanksgiving concert organized by Raymond Gorospe and Princess Rivera-Virtudazo, the two eldest representatives sa 2015 WCOPA. Other performers of the concert were Rachel Pegason, Aliya Parcs, Jude, Jet Barrun, Brandon Chan, Chir Cataran, Diana Gale de Lemos, Liv Gonzales, Marianne Manliclic, and Mike Mendoza.
Raymond and Princess told us na ang concert nila ay pasasalamat sa mga tao and entities na tumulong sa kanila sa paglaban nila sa WCOPA. They hope to release a collaboration album and tour the concert.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas