HINDI NA rin nakatiis si Boy Abunda para sagutin ang isyu ng tweet ng baguhang singer na si Rhap Salazar tungkol sa mga artists daw na nagli-lip sync. Sinabi kasi ng baguhan singer sa kanyang tweet na “I hate seeing artists lip-syncing on TV at ‘yung iba, nagkaka-album pa.”
Bilang manager ng mga sikat na singer at actor, ipinarating ni Kuya Boy na hindi talaga maiiwasan kung minsan sa mga singer no matter how good they are, na mag-lip sync. So, hindi inaayunan ni Kuya Boy ang pagtutsada ni Rhap na isang baguhan pa lang at wala pa namang napatutunayan sa ating bansa. Nakilala lang at biglang sumulpot nang manalo sa isang international singing contest.
Parating nga ni Kuya Boy kay Rhap, “Alam mo, even the best artist, even the most brilliant singers, have to lip-sync. Depend on the circumstance. It’s a technical issue, sometimes it’s even a health issue. Hindi makakanta, but you know, the artist is forced to be in a certain event.”
“So. It’s not evil, it’s not bad, it’s not treachery, hindi pandaraya ang pag-lip-sync. Kailangan ito sa ilang pagkakataon,” patikim ni Kuya Boy kay Rhap.
Pati ang paggamit ng salitang “hate” ni Rhap ay pinuna ni Kuya Boy, dahil kung seryosong hate daw ang ibig nitong sabihin, may freedom naman daw ito na huwag panoorin ang mga artist na nagli-lip-sync.
“Switch off, huwag mong panoorin, walang pumipigil sa ‘yo,” say pa ni Kuya Boy.
Payo ng King of Talk Show kay Rhap, “Instead of hating, instead of disliking itong mga non-singers who are making it as singers, panoorin mo sila. Discover what makes them thick. I mean, review your brand essence, your equity. Ano ba ang ginagawa nilang tama na hindi mo ginagawa? Because with your enormous talent, Rhap, I am sure you have a place under the sun. But that’s how you make something negative positive. Isang opinion ng isang maliit na manager na katulad ko.”
Samantalang maging si Vice Ganda, nag-react na rin sa tweet nitong si Rhap sa mga non-singers na nagkakaroon pa ng album, “Wala namang ginagawang labag sa batas, bakit mo iha-hate. Hindi ka naman tinatapakan at walang inagrabiyadong tao. Ako hindi ako singer, pero marami akong natulungan at napasayang tao sa pamamagitan ng aking mga kanta.”
“Si Lea Salonga, isang international singer here and abroad na tinitingala ay wala ring nakitang masama sa mga nagli-lip-sync. As long na alam mo na ikaw ay isang singer kahit na mag-lip-sync ka ay walang problema,” pahayag ni Vice Ganda.
Well, sa nangyaring patutsada ni Rhap sa mga singer na nagli-lip-sync. Ngayon siguro ay baka makilala ka ng nakararami.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo