“It’s a love story, kung paano masu-survive ng dalawang characters na yon. Nakatutuwa kasi mapo-portray mo yung mga kababayan nating nagtatrabaho sa ibang bansa para sa mga pamilya nila. Nakatutuwa siyang gawin,” kuwento ni Rhen tungkol sa character niya.
Thirty days mananatili sa Singapore si Rhen pero naka-10 shooting days na raw siya kaya 20 days na lang at matatapos na ang pelikula.
“Grabe, nakatutuwa na marami akong nae-experience na mga bagong bagay na hindi usual na ginagawa natin sa Pilipinas o hindi ko na-experience sa atin. Marami akong nakikilalang mga tao at excited po talaga ako.
“Mapapanood ito, lalo na sa bansa natin. Sana abangan ng lahat dahil special itong project na ito for me,” lahad pa niya.
Pagdating naman sa Paraluman, aminado si Rhen na hindi siya nahirapang gawin ang ilang mga sensitibong eksena kasama ang comebacking actor na si Jao.
“Siyempre noong binasa ko po yung script, aware po akong may mga gagawin kaming sensitive scenes, so ayon po talaga yung pinag-usapan namin ni Direk Yam (Laranas). Importante po kasi na ma-pull off yung mga sensitive na eksana,” paliwanag ng dalaga.
Patuloy niya, “Happy po ako and maswerte po ako na si Direk Yam po talaga ang gumawa no’n na sobrang bilis. One take lang po talaga yung mga love scenes na mapapanood niyo, so yon talaga ang dapat abangan kung paano namin nagawa na one take lang.
“Siyempre, hindi naman po nawawala yung kaba lagi pag may mga ganung eksena pero I really have to trust my director, my co-actor. Makikita niyo naman po sa mismong love scene kung may ilang factor ba.”