SA MATAGAL NA pananahimik, nagsalita na rin ang maituturing na isa sa pinaka-controversial na young star na si Rhian Ramos tungkol sa naging issue sa kanila ni Mo Twister. Ayon kay Rhian, napatawad na niya ang minsan ay nanakit sa kanya na si Mo. Tsika pa nito, humingi na raw sa kanya ng tawad at matagal na naman since nangyari iyon, kaya naman hindi na ito galit sa taklesang host.
Kung sa bagay, kung ang Diyos nga ay marunong magpatawad, si Rhian pa na isang tao lamang. Pero hindi raw nangangahulugang buong-buo nang nagamot ang sugat na gawa ng kontro-bersiyang kinasangkutan nila ni DJ Mo at matagal-tagal pa raw bago ito maghilom at tuluyan na niyang makalimutan.
Dagdag pa ni Rhian na wala na raw silang communication ni DJ Mo after nilang mag-usap at humingi ito ng tawad. Kaya raw hindi totoo ang naglalabasang balita na okey na okey na sila, at pala-ging napagkikitang magkasama. Malabo raw mangyari iyon.
HANGGANG NGAYON, PATULOY pa rin palang nililigawan para sumabak sa pulitika ang young star at isa sa cast ng Amaya na si Sheena Halili sa kanilang lugar sa Pam-panga. Pero ayon sa young star, wala raw siyang kabalak-balak sumabak sa pulitika, kahit politician ang kanyang daddy.
Mas gusto raw ni Sheena ang sumuporta na lang sa kanyang butihing ama at hayaan na lang ang kanyang Daddy ang nasa politics, habang siya naman ay sa showbiz. Mahal na mahal daw ni Sheena ang industriya kaya naman daw mas pinagbubuti pa nito ang kanyang trabaho nang sa ganu’n ay palagi siyang bigyan ng GMA ng magagandang proyekto.
At kahit nga ang kanyang lovelife ay handa nitong i-sacrifice, kaya naman daw zero pa rin ang kanyang buhay pag-ibig until now. Six years na raw na walang karelasyon si Sheena at hanggang ngayon na kahit marami ang nanliligaw sa kanya, ang pagpapaunlad ng kanyang showbiz career ang priority ni Sheena.
NAG-LAUNCH ANG 7101 Music Nation ng kanilang 2nd Elements National Singing-Songwriting Camp, na hatid ng mga henyo sa musika na sina Maestro Ryan Cayabyab (Artistic Director), Julio D. Sy (Chief Executive Officer) and Maven Twinky Lagdameo (Chief Operating Officer).
Ang Goal ng 7101 Music Nation ay pagsama-samahin ang mga Filipino Artists and Musicians para iangat pa ang antas ng mundo ng musika sa Pilipinas. Kaya naman sa lahat ng interesadong sumali, heto ang requirements: Aspiring singers na may edad na 18-25 at aspiring songwriter na may edad na 18-35, who are citizens at residente sa Pilipinas.
Hanggang 30 singers and 30 songswriters ang pipiliin para makasama sa camp na gaganapin sa Dumaguete, Negros Oriental mula Nov. 6-10. Ang aplikante sa songwriting ay kailangang mag-submit ng mp3 ng original compositon, lyrics to the uploaded song, at 2-minute video sagot sa tanong na kung bakit dapat silang mapasama sa camp. Kasama rin ang kantang inawit ng kompositor or guest singer applicants para sa singing track.
Samantalang para sa mga aspiring singer para sa singing camp ay dapat mag-submit ng sariling video singing an original Filipino song at 2-minute video na sagot sa tanong na kung bakit dapat silang mapasama sa camp. Ang kanta ay dapat na awitin ng acappella at walang back-up instruments. The video must be 5-10 mb and in any one of these formats – mp4, avi, or mov. Para sa mga interesadong aplikante you may visit www.710 musicnation.com.ph.
John’s Point
by John Fontanilla