PANGATLONG action film na ni Rhian Ramos ang The Trigonal. Ang dalawa pa ay ang Panday at ang Tres na ipapalabas pa lang.
Sa The Trigonal, aminado ang dalaga na hindi talaga siya nakapag-training.
“No, not that much. Beforehand, I had one really long action sequence that I am proud of. Tapos lahat ng mga co-stars ko, tinuturuan ako, kasi everyone on the set is a real fighter.”
Hindi rin daw maiwasang ma-conscious siya sa mga co-stars like Monsour del Rosario, Sara Chang at sa bida ng pelikulang si Ian Ignacio na puro martial arts expert.
“Medyo naka-concious din ako na sila ang mga nakakasama ko,” pag-amin pa niya. “Pero nakakatuwa din yung pag-support nila sa akin na kahit hindi sila kasama sa eksena, nandun sila sa set tapos tinuturuan nila ako.”
Na-enjoy din daw niya ang mga action scenes.
“Na-enjoy ko, eh. Para siyang, there’s something about it that’s acting and dancing at the same time,” kuwento niya.
Hindi nasaktan o nagalusan si Rhian sa mga action scenes nito, pero may nasaktan siyang kasamahan sa set.
“I think I accidentally hit someone,” patungkol niya sa isang stuntment pero kaagad daw naman siyang napatawad nito.
Ang The Trigonal is under the direction of Vincent Soberano.
La Boka
by Leo Bukas