GRABE ANG pinasabog na “bomba” ni Mo Twister tungkol sa claim niyang diumano, Rhian Ramos “got rid of our baby” noong nagpunta sila sa Singapore noong July 2010.
Noong Biyernes lang ay na-upload ang personal, emotional video ni Mo sa YouTube, at ang say ni Mo, ang nasabing video ay “recovered” lang na file sa isang computer na naibenta na niya last year at kahit siya ay nagulat at iniimbestigahan kung sino ang may kagagawan ng pag-”recover” na ‘yun.
Ayaw itong patulan ng iba na hindi naniniwalang walang kinalaman si Mo kung paano ito na-upload at kumalat na nga sa internet.
“Very ungentleman” ang description ng ilang tao sa ginawang ito ni Mo sa isang supposedly eh, minahal niyang babae. Pero para sa TV host na aniya’y sobrang nasaktan sa mga pangyayari na he “lost his baby”, kaya siya lilisan ng ‘Pinas at magku-quit sa showbiz.
Nakatutok ang lahat sa statement naman ni Rhian pero heard na pinagbawalan ito ng GMA management na magsalita at hayaang ang kanilang lawyers ang magsalita tungkol sa sensitive topic na ito.
Ang dinig lang namin, totoo bang sa pagkagulat ng mga tao sa likod ng endorsements ni Rhian ay unti-unti na itong mga nagsisipag-pull out?
Alam nating may “morality clause” ang endorsement contracts ng isang artista and kung totoo ang chikang ito ay kawawa naman talaga si Rhian dahil naeskandalo siya nang dahil sa nasabing video na may “RepairedMovie.com” as file name.
“Naku, naloloka ang advertisers na kumuha ng services ni Rhian, dismayado sa mga pangyayari, kaya baka makaapekto ito dahil sa contract agreements nila,” say ng aming source.
That we have to see kung patuloy pa rin nating makikita ang print ads and billboards of Rhian and mapanood naman ang kanyang TV commercials in the weeks to come.
Pero for sure, hindi pababayaan ng GMA management ang isa sa kanilang prized contract star. Heard na malamang na kasuhan ng Kapuso network si Mo, at kung pormal nang maisasampa ang kaso – kung matuloy man – papaano pa kaya makakaaalis ng bansa ang kontrobersiyal na host?
KUNG KELAN naman may movie na palabas sa mga sinehan si Rhian Ramos, ang The Road ng GMA Films eh, saka pumutok ang balitang ito.
Currently showing ang “The Road” at kakaibang atake naman ng pagka-suspense thriller or horror ang ginawa rito ni Direk Yam Laranas.
Ang issue kay Rhian ay ‘wag naman sanang maging hadlang sa kinikita ngayon ng The Road sa box office, dahil personal ‘yun ng star of the movie, at iba naman ang credits ng pelikula upang suportahan pa rin ng moviegoers.
Nasa movie rin sina Carmina Villaroel, Marvin Agustin, TJ Trinidad, new actors Derrick Monasterio at Alden Richards, Barbie Forteza, Louise delos Reyes.
PAREHONG GUWAPO ang newbies na sina Derrick and Alden na kapwa mga nanalo ng awards bilang mga baguhang artista – si Derrick as Best New Male TV Personality sa Star Awards for TV ng PMPC, at si Alden naman bilang Breakthrough Actor ng Golden Screen Awards for TV ng Enpress.
Maalagaan sana nang husto ng GMA sina Derrick and Alden dahil pareho silang mga potential, telegenic, and may teenage followers.
Naloka lang kami at masyado yatang bata pa si Alden upang gumanap na killer in the movie, pero nalaman namin dapat pala ito sa isang older actor na last minute ay pinalitan niya.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro