NOONG MARTES, June 26, ginanap na ang formal launching ng ‘Phil So Good’, ang kauna-unahang USB music album ni Julien Drolon, isang French pop artist kung saan ang kanyang carrier single na may parehong titulo sa album ay kinatatampukan din ng Kapuso star na si Rhian Ramos.
Ang nasabing kanta na ‘Phil So Good’, ay naglalarawan ng mga magagandang tanawin sa Pilipinas.
Nag-rap si Rhian dito at ayon pa sa kanya, “Yes, I hope that everyone get the chance to get the album kasi ito ‘yung chance nila na makarinig ng french singer na first time nga ito, kasi bago na ang technology these days, kasi nga usb, it’s a usb album which is the first in the world. I just want people to get hands on it. And also it’s my first rap song, so pa-support.”
Halatang masaya at blooming si Rhian during the interview. Sinasagot niya ang lahat ng mga tanong ng press kahit na noong una ay medyo alangan ang media na magtanong sa kanya pagdating sa ‘personal matters’. Una na naming nilinaw sa kanya ang tungkol sa kanila ni KC Montero. Say niya, “We’re good, I’m really, really happy right now.”
Saang level na nga kaya ang relasyon nila? Pag-amin niyang sagot, “Ahm, kasi I don’t wanna really put like a label on it right now. Kasi ano eh, I get a lot of pressure about my personal life, parang you know it’s nice na rin to keep it kinda quite.
“Hindi ko siya masyadong pinag-uusapan, pero at the same time… hindi rin naman kami nagtatago. Kasi kitang-kita din naman ng lahat. I mean, wala kaming tinatago, wala kaming sinisikreto, pinapakita namin, kami kung saan kami pumupunta kung magkasama kami.
“Or sa twitter pa lang I know kapag nababasa ng followers ko. So in that part, open siya for the public to see and sila na ang mag-judge kung ano ‘yun.”
Ano kaya ang pakiramdam na open na siya to talk about her lovelife, na hindi katulad dati na todo-iwas siya kapag ganito na ang usapan. “Siyempre, well I’m happy and I’m proud, and paano ba? Wala… parang, its nothing to be ashamed of eh. Parang its ano, I’m very proud of it.”
Pero kuwento pa niya, exclusively dating pa lang talaga sila ni KC. “Ayokong, puwedeng ganu’n na lang? Ganu’n na lang, saka na. At tsaka tanungin n’yo naman siya hindi lang ako.”
And you look so happy? “Kasi happy naman, I feel so good,” sabay pakita sa album.
Dahil game na game si Rhian na sinagot ang mga naunang tanong ng media, sinundan na namin ito ng mga maintrigang tanong. Una, feeling ba niya pagdating sa mga issue ay deadma na lang ang drama niya?
Kuwento niya, “Ahm… oo, not so much. At saka ano naman eh, parang things have quited down, tsaka parang nagkaroon ako ng parang my life has been focused on work na rin, sa time na ‘to. Actually maganda ‘yung balance.”
Ang latest na isyu sa kanya ay ang naging patutsadahan nila ni Angelicopter sa Twitter. Pero tanong nang isang showbiz reporter, bakit parang nanghingi siya ng dispensa kay Angelicopter sa Twitter?
Ano nga ba ang paliwanag niya sa isyu? Medyo hinarangan ng kanyang handler si Rhian na sagutin ang katanungang ito pero in the end, nagpaunlak na rin siya at nagpaliwanag.
Aniya, “Hindi kasi. Naku, mahabang kuwento, pero ano eh, mahaba ‘yung kuwento eh. Pero ayun, basically lang, actually napahiya lang din kasi ako sa followers ko na, parang I wanted nga to keep it classy, so I decided to just tell her na lang na okay, sorry, walang problema. Anyways, if ever nga na hindi pa talaga sila tapos sa akin, eh ‘di at least masaya ako, hindi ko na rin naman kaila-ngang pansinin.”
So sa mga pangyayaring ito, natutunan na ba niya ang art of deadma? Sagot niya, “I think puwede ko pang i-master, nang konti. Pero more or less, I’m getting the hang of it.”
Sa huli, inulit naming itanong kay Rhian kong gaano nga ba siya kasaya sa ngayon. Sagot nito sa amin, “Basta masayang-masaya lang talaga at tsaka parang nakuha ko na ulit ‘yung balance ng buhay na gusto ko, ‘yung gusto kong ma-achieve. So, I really feel so good.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato