UNANG NAGING leading man ni Rhian Ramos si Dingdong Dantes sa Pinoy remake ng Korean drama series na Stairway To Heaven. Ngayon, muli na naman silang magkasama sa pinakabagong primetime series ng GMA-7, kung saan tampok din sina Lorna Tolentino, Jackie Lou Blanco, TJ Trinidad at ilan pang Kapuso stars.
“Medyo na-miss ko ‘yong mga dramatic scenes and everything,” sabi nga ni Rhian. “Sa Indio kasi, ‘yong character ko… parang hindi siya ‘yong character na ang dami-daming sides. Wherein in this project, parang it’s so nice to be inside of a scene with an actor na alam mong he really knows what he’s doing,” pagtukoy pa niya sa leading man niyang si Dingdong. “And working with Dingdong for the second time, parang wala pa ring nagbago. Kasi ano… although matagal ko na siyang hindi nakatrabaho, parang wala namang time na nag-pass.”
Noong nagkatamdal sila sa Stairway To Heaven, nagkaroon ng intriga sa pagitan nila ng girlfriend ni Dindong na si Marian Rivera. Ito’y dahil na rin sa isyung pinagselosan daw siya ng huli. Ngayon ay tila smooth-sailing na naman ang itinakbo ng pakikipagtrabaho niya sa aktor. Walang anumang naging intriga.
“Lagi namang smooth-sailing, eh,” nangiting sabi na lang ni Rhian.
May mga kissing scenes sila ni Dingdong. Hindi ba siya na-tense no’ng kinunan iyon na baka maintriga na naman sila o magkaroon ng isyu na merong magri-react o magagalit?
“Hindi naman. Kasi parang… I don’t know. I just treat it as any other scene.”
Dagdag-pressure na dalawang magaling na director na gaya nina Joyce Bernal at Mark Reyes ang katrabaho nila sa Genesis?
“Actually hindi nga siya dagdag-pressure, eh. Parang may napapadali nga ‘yong job ko kasi parang may kanya-kanya rin silang mga forte. And then parang they help to put together the balance to the show. Na kailangang medyo heavy siya on special effects pero drama pa rin. Tapos… sci-fi pero lovestory. I would say ‘yong mga malalaking scenes na ang dami-daming nangyayari like big events. At saka anything that you would put special effects into… like ‘yong nagpa-Flower Festival kami sa Baguio, tapos may mga bumabagasak na asteroids, gan’on… that’s Direk Mark’s forte. And then ‘yong mga… for example ‘yong mga ginawa naming wedding tapos biglang kukunin nila sa akin si Isaac (character ni Dingdong), ‘yong mga gano’ng klaseng dramatic scene… kay Direk Joyce naman.”
Ano ‘yong para sa kanya ay pinakamahirap na eksena niyang nakunan na?
“Kasi si Racquel (pangalan ng kanyang character), nasa loob siya ng isang abusive relationship,” do’n sa part na napilitan siyang magpakasal sa character ni TJ Trinidad na kalaunan ay magiging mapang-abusong asawa pala.
“And… oo naiintindihan ko ‘yong side of her na parang you know, she has to stay in it for so long. Gano’n. Kaso lang, when you’re inside an abusive relationship, may isang point kasi na mapi-feel mo na kailangan ko na talagang iwanan ang tao na ito. Pero you feel that over and over again. Na parang… ay, iiwanan ko na talaga siya. And the he wins you over again. Tapos… ay hindi, ayoko na talaga. Parang gano’n… battle siya. And you decide that over and over again. Pero, I know what it’s like to be on a… on again-off again relationship.”
Pero na-experience ba rin niya ‘yong abusive na relationship?
“Well… that gets me a loss! I just keep that to myself!” sabay halakhak na lang ni Rhian.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan