TAWA NANG TAWA si Sen. Bong Revilla nang malaman niyang game din pala si Rhian Ramos sa kissing scene sakali mang kailangan ito sa pelikulang Panday.
“Gagawin ko po,” aniya nang makausap sa last shooting day na ginanap sa Tanay. “Walang problema po iyon sa akin. Professional po ako at saka napakaganda po ng aking role. Ako po ang may gusto rito kay Sen. Bong. Sa totoo lang ako, ang sunod nang sunod sa kanya. Sa modern times, stalker po ako rito ni Sen. Bong. Magugulat na lang siya kapag nakikita ako nang hindi niya inaasahan. Idolo po ang pagtingin ko sa kanya dito. Kaya, I was thinking na mayroon kaming kissing scenes. I was expecting that and I was ready for it.”
Iyon na nga lang, nabigo si Rhian dahil huli na nang malaman ito ni Bong. Akala niya kasi, 17 years old lang ang dalaga.
“Hindi po, 18 na po ako,” hirit ni Rhian. Sa kuwentong ito, napahalakhak na ang Titanic Action Star. Iniingatan daw niya ang image ni Rhian dahil mukhang fragile ito.
Kung naiba-iba lang si Bong, puwedeng-puwedeng isingit ang kissing scene. Pero, hindi ginawa ni Bong. “Hindi talaga puwedeng basta i-dagdag na lang.” Kahit nang malaman niyang maraming kissing scenes din si Rhian sa teleserye niyang Stairway To Heaven with Dingdong (Dantes), hindi pa rin siya pumayag.
“Napakaganda ng role dito ni Rhian at sapat na ang ipinakita niyang husay for me to say that she will really go places. Hindi nagkamali ang GMA-7 sa pagsa-suggest sa kanya sa role dito. May panahon pa naman diyan. Marami pang pelikulang gagawin ang Imus Productions at baka sa susunod na pagkakataon ay mangyayari ang professionalism na tinutukoy niya.
ON THE OTHER HAND, hindi na pala kailangan pang humirit ng kissing scene ang other leading lady ni Bong sa Panday na si Iza Calzado.
“Iyon ang sorpresa namin sa kanya sa last day shooting naming ito. Talagang may kissing scene siya,” mula naman kay Marlon Bautista, kuya ni Bong. At passionate pa. Hindi maaapektuhan ng role niya bilang isang “diwata” ang kissing scene nila. Hindi lang puwedeng ikuwento dahil mapi-pre-empt ang story.”
Ayon naman kay Bong, may mga nadagdag na characters na inilagay ang National Artist at awtor ng istorya, dahil, prequel ito. Ang mga pangyayari ay naganap bago dumating ang character noon ni Ninong Ronnie Poe (SLN). Mayroon ding nawalang mga characters for obvious reasons.”
Hindi lang sina Iza at Rhian ang mala-dyosang kagandahan na mai-in love kay Panday. May malaking participation din si Anne Curtis.
“Maswerte ang darating na filmfest entry naming ito dahil, napa-bilib ang Viva Big Boss (Vic del Rosario) na lumabas si Anne sa isang very special role. Isa rin siyang dyosa na kapag napanood n’yo, eh, sasang-ayon kayo na siya lang ang puwedeng gumanap sa role. Para sa kanya lang ang character na iyon. Huwag n’yo ng hulaan kung ano, para ma-sorpresa kayo,” patuloy niya. Lalo niyang hindi sinagot kung magkano ang TF na inalok nila kay Anne para tanggapin ito.
“Sabihin na lang natin na walang hindi gagawin para gumanda ang pelikula. Kung nagandahan ang mga bata at matanda sa mga nakaraan naming meant to make our movie-goers appreciate it, eto na ‘yung sukdulan. Hindi ko na nga tinitingnan ang cost of production namin at baka mahilo ako. Definitely mas magastos ito sa ginawa naming “Exodus” noon.
Habang daan pauwi mula sa location, walang pinag-usapan ang grupong kasama namin, kung ‘di ang matikas na hitsura ngayon ni Bong. Kung nagmukhang “dugyot” ang mga kasama niya dahil sa maputik na lugar, fresh na fresh naman ang dating niya. Pinaghandaan niya kasi ang pelikula. November pa nila sinimulan ang shooting nito, at binigyan niya ang sarili niyang magbawas ng timbang para tumama sa Panday na nilikha ni Carlo (yes, Caparas) this time.
BULL Chit!
by Chit Ramos