MUKHANG HINDI na matutuloy ang nakakasang planong pagsasama nina Rhian Ramos at Aljur Abrenica with Kris Bernal. Ang latest tsika, hindi na kasama si Rhian Ramos sa balik-tambalan nina Aljur at Kris, dahil hindi na matutuloy ang sana’y proyektong nakalaan sa tatlo.
Ayon nga kay Kris, “Kami naman ni Aljur, kahit hindi kami nagkakatrabaho, nandoon pa rin ang communication namin sa isa’t isa. Kahit na minsan, matagal siyang sumagot sa mga text ko, nakakasagot pa rin naman siya, in fairness.
“Lagi ko namang binibiro ‘yan, eh. Kapag nali-link ‘yan sa kung sinong babae, inaasar ko siya. Gusto ko kasing malaman kung anong style ng panliligaw ang gagawin niya.
“Ganu’n lang ang biruan namin ni Aljur. Kaya sa pagsasama namin ulit, magiging masaya. Kasi almost two years din kaming hindi nagkatrabaho nang matagal.”
At sa pagsasamang muli nina Aljur at Kris, masusubok muli sa Pinoy adaptation ng Coffee Prince ang lakas ng mga ito sa mga manonood. Tsika nga ni Kris, sobrang matutuwa raw ang loyal fans nila ni Aljur sa muli nilang pagtatambal.
DREAM COME true para sa music genius na si Maestro Vehnee Saturno ang pagkakaroon ng music training center via his own VSMTC (Vehnee Saturno Music Training Center) katuwang ang magaling na singer na si Ladine Roxas. Ito’y matatagpuan sa 24 Brixton Hill cor. Palanza St., Brgy. Santol, Quezon City.
Matagal-tagal na raw kasing gustong magkaroon ng music training center si Mr. Vehnee at ang kanyang VSMTC ang katuparan ng kanyang pangarap. Saksi kami sa ganda at laki ng training studio na kumpleto sa hi-tech equipments na hindi makikita sa ibang training studios.
Kung saan nag-o-offer sila ng training mula sa Voice & Performance, Dance, Piano, Bass, Drums, Guitar, Saxophone at Workshops for Songwriting, Song Arranging, Record Production.
Kuwento nga ni Ladine ,isang factor kaya nila tinayo ang VSMTC ay dahil na rin sa gusto nilang maka-discover ng mga talentong tutulungan nilang maabot ang pangarap na mapabilang sa mundo ng musika. ‘Di pa man daw nagbubukas ang VSMTC ay marami na silang regular students na hindi lang mga Pinoy dahil maging mga Fil/Am ay nagwo-workshop na rin sa kanila.
MUKHANG SA 16 finalists ng Artista Academy, tatlo kaagad ang umabante at tinanghal na Top Students sa kani-kanilang ipinakitang production number at fashion show.
At ang mga naging Top Students ay sina Vin Abrenica na nakakabatang kapatid ni Aljur Abrenica at nag-uumapaw ang sex appeal at self confidence, kung saan naka-tie nito si Mark Newmann, ang Fil/Croatian na sinasabing Boys Next Door among 8 male candidates.
Habang nag-iisa naman ang nag-top sa babae, ito ay ang maganda at matangkad na si Julia Quisimbing na mukhang modelo /Artista. Ang iba pang malaki rin ang laban among the group ay sina Marvelous, Benjo, Malak na malaki ang pagkakahawig kay Katrina Halili, Shaira, Chris, Stephanie at Chanel.
MASAYA ANG young actor na si Teejay Marquez dahil nag-start na last Aug. 14 ang shooting ng isa sa indie films na nakatakda niyang gawin ngayong taon, ang Basement, kung saan makakasama niya ang ilan sa maningning na Kapuso stars like Kristoffer Martin, Mona Louise Rey, Chynna Ortaleza, Kevin Santos, Enzo Pineda, atbp.
Bukod sa Basement, nakatakda na ring gumiling ang camera ng kanyang pagbibidahang indie film na Mohammad/ Abdulla, na kukunan ang ibang eksena sa Indonesia kung saan may malaking fan base na rin doon si Teejay.
Kaya naman habang naghihintay ng kanyang bagong soap si Teejay, nakatuon ang pansin nito sa paggawa ng indie films at TV commercial/ print ads. Bukod pa rito, ang kanyang guesting sa Maynila at I-Juander, at pagiging regular teen co-host ni Kuya German Moreno sa Walang Tulugan With The Master Showman.
John’s Point
by John Fontanilla