KAMUSTA na kaya si Ria Atayde? Matagal na kasi siya hinahanap-hanap ng mga supporters niya na lumabas sa Kapamilya Teleserye.
The last show na napanood namin ang dalaga sa isang episode ng Ipaglaban Mo last month at sa Lenten Presentation ng It’s Showtime na “Home” episode na kung hindi kami nagkakamali ay sa noong Holy Monday pinalabas.
Pero habang hinihintay pa ang regular serye ng dalaga, sa darating na Saturday, April 14 ay mapapanood na naman natin si Ria sa MMK (Maalaala Mo Kaya) sa kanyang markadong role bilang si Celeste Legaspi na anak ng National Artist na si Cesar Legaspi played by no less than Ian Veneracion at si Angel Aquino naman as his wife.
Habang wala pa at naka-waiting ang pa ang regular teleserye ng dalaga ay sa mga drama anthologies muna ng Kapamilya Network natin mapapanood si Ria.
Sa MMK ngayong Sabado, sort of reunion ito ni Ria with Direk Jeffrey Jeturian dahil magkasama sila noon sa morning pampa-good vibes series na Ningning where she played a role of a teacher.
Kuwento nga ng dalaga about her experience working with Ian and Angel: “It’s been fun working with them. They’re nice to work with. Easy to work with.
“With Direk Jeff, he was my first ever director. So super nice kasi parang reunion ko with him,” chat message ng dalaga sa amin.
Para kay Ria, lahat ng roles sa MMK ay mako-consider niya na dream role. “It’s always challenging naman so far. Pero siguro, if there will be something different with disability,” paliwanag ni Ria.
Reyted K
By RK Villacorta