Kapag nanay ka, lahat ng gusto mo, ibibigay mo sa iyong mga anak. Kung p’wede nga lang na maging makapangyarihan ka, ginawa mo na para ang lahat ng bagay na maganda sa buhay ay maibigay mo sa kanila.
Drama man ang ganito mga eksena, pero ito ang katotohanan. You want the best for your child. Sabi nga, ayaw mong padapuan ng lamok. ‘Di bale nang ikaw ang mahirapan at magdusa, huwag lang sila.
Hindi ko alam kung anong tawag sa ganito. Basta ang tawag ko rito ay tunay na pagmamahal. Sa Ingles, ito yata ang tinatawag nilang “unconditional love”.
Kaya nga bilib kami sa kaibigang Sylvia Sanchez sa pagmamahal na meron siya sa ma anak niya. Sa panahon na kailangan nila ng suporta mula sa kanilang ina, asahan n’yo igagapang ni Ibyang (tawag namin sa aktres) ang lahat para mapasaya ang mga anak.
Sa pagkakataong ito, kung saan for the first time ay aarte sa palabas na MMK ang dalagang anak ni Ibyang na si Ria Atayde (not all newcomers ay nabibigyan ng pagkakataon, pero deserving naman ang dalaga), si Ibyang mismo ang masipag mag-repost sa kanyang social media account ng promo announcement ng palabas para malaman ng marami that her daughter Ria Atayde (aka Titser Hope sa morning serye na “Ningning” noon) will star in the longest-running drama anthology on television as the love interest of brothers Joseph Marco and Matt Evans sa episode ng “MMK” bukas ng gabi.
Personally, happy kami kay Ria dahil sa pagiging matiyaga niya (taking up acting workshops sa pamamahala ni Direk Ryan Carlos at sa ibang mga acting mentors sa industriya) ay dahan-dahang nagkakabunga ang pagsusumikap na maging successful sa field na napili niya tulad sa mundong ginagalawan at minamahal ng kanyang ina at kuya na si Arjo Atayde.
“I want to be like mom, pero nakatatakot. I don’t know kung magagawa ko ‘yong mga ginagawa niya on television and on film. I want to be a respected actress like a Sylvia Sanchez, pero scary. I have to prove my worth,” sabi ng dalaga sa amin.
Sa mga hindi pa nakaaalam, bago pinasok ni Ria ang pag-aartista after niyang magtapos ng colllege sa DLSU-Taft, unang pangarap niya ay maging isang television journalist, and want to work sa CNN or BBC.
Pero dahil malakas ang hugot ng showbiz with his mom na super galing naman talaga (na hanga ang TV journalist na si Julius Babao sa aktres) at kuya na si Arjo na isa sa mga magagaling nating male actor sa kasalukuyan, isang malaking challenge ito para sa dalaga na gumawa ng sarili niyang pangalan sa industriya.
But for now, work lang nang work. Pag-aralan lang ni Ria kung papaano siya maging mahusay tulad nina Ibyang at Arjo at darating din ang panahon niya na ma-recognize bilang isang aktres.
Sa “MMK” bukas, bukod kina Matt at Joseph, makasasama rin nila ang batikang aktres na si Maureen Mauricio.
Reyted K
By RK VillaCorta